CHAPTER 23

72 28 2
                                    

MAIGI nyang tiningnan ang kanyang kaharap. Wala na ang dating supistikada nitong aura. Medyo tumaba na rin ito kumpara noong huli silang magkita nito. At kung dati halos labas ang dibdib nito kung magsuot ng damit ngayon ay tagong-tago na iyon.

"Sana hindi kita na-disturbo sa pagtawag ko sayo." basag nito sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. "Balita ko kasi, graduating ka this semester."

Wala syang gustong sabihin. Ito naman ang nagyayang makipag-usap sa kanya kaya ito dapat ang maraming sasabihin at hindi sya.

"And I hope, ok lang sayo na maka-usap kita." dugtong nito.

"Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin Allysa, hindi naman tayo magkaibigan para makipagkumustahan pa ako sayo o kaya makipag-chikahan sa mga nangyayari sa buhay natin, diba?" inis nyang sagot sa babae.

Tumango lang ito saka nagsalita ulit, "I'm sorry." Anito, "As you see, I'm 4 months pregnant." anito.

Nakikita nga nya na lumubo nga ang tyan nito na indikasyong buntis nga ito.

"And I heard nagkabalikan na kayo ni Li." dugtong pa nito.

Sa pananalita ng babae parang alam na nya kung ano ang patutunguhan ng usapang iyon. Parang nauulit lang kasi ang eksena noong kinausap sya ni Wenna tungkol sa pagbubuntis nito sa anak nila ni Jonathan.

"Sobrang pangit mang gawin to pero gagawin ko na rin." pabitin nitong sabi.

Humugot sya ng malalim na buntong hininga para paghandaan ang sasabihin pa ng babaeng nasa kanyang harapan. Ayaw nyang manikip ang dib-dib sa maririnig.

"Ken, nakiki-usap ako sayo. Let me have Li again." anito habang naiiyak sa pagsambit ng mga katagang iyon.

"Sya ba ang ama ng dinadala mo?" finally, she speak.

"Oo." nakayuko nitong amin. "Magkasama kaming nagpunta ng Singapore 4 months ago."

"Bakit hindi mo sya hinabol nong una mong malamang buntis ka?" hindi nya alam kung saan patutungo ang kanyang tanong na iyon, this time she wanted to fight what she have na hindi man lang nya nagawa noon.

"Sinubukan kong sabihin sa kanya pero hindi sya nakinig sa akin, ni hindi sya naniwala at tinalikuran lang nya ako." tumulo na ang gabutil na luhang kanina pa nito pinipigilan.

"Then? Tumigil ka na agad? Bakit hindi mo pinagsiksikan ang sarili mo sa kanya, magkasama naman pala kayo, bakit hindi mo sya itinali para sana wala ka ngayon sa harap ko at nakiki-usap."

Hindi lang nagsalita ang babae. Ng walang makuhang sagot ay tumayo na sya at handa ng umalis sa lugar na iyon.

"Ken please, I'm begging you." hinawakan sya nito sa kamay para pigilan sya sa pag-alis.

"Hindi naman ako ang dapat na kinakausap mo at the first place eh, kundi yong ama ng dinadala mo."

"But you are his girlfriend." anito

"Bakit? Sa palagay mo ba may magagawa ako para dyan? Pagkatapos ba nitong pag-uusap na ito pananagutan ka na nya? Make sense Allysa, use your head." yon lang at ngit-ngit nyang tinalikuran na ang babae.

Pero muli sya nitong napigilan by grabbing her hand again.

"What do you want me to do? Maglumuhod ako sa harap mo para ibigay mo sya sa amin? I'll do it, if that's what you want."

"Hindi naman yon ang point ko Allysa, nag-iisip ka ba?" Gusto nya sanang isigaw sa mukha nito kung gaano ito ka-desperada.

"Ken please."

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon