CHAPTER 15

43 28 0
                                    

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Jade ang larawan ng mommy niya sa album ni Tita Coring. Kaibigan pala ng matanda ang mommy niya nong nasa unang taon palang ito sa college at malapit daw umano silang mag-kaibigan nito.

Marami itong nae-kwento tungkol sa mommy niya kaya madami din siyang nalaman tungkol sa mommy niya at masaya siya dahil unti-unti ay naging malinaw sa kanya kung sino talaga siya.

May nakita siyang lalaki na naka-akbay sa mommy nya sa isa sa mga larawan na naroon, mariin niya iyong tinitigan, pakiwari niya ay ito ang tatay niya. Luma na ang picture kaya hindi na niya mawari kung kamukha ba niya ito o hindi.

Kung saka-sakaling iyon nga ang tatay niya ay iyon na lang ang tanging alaala na naiwan ng mga ito sa kanya, kahit hindi niya ito makilala dahil sa kalumaan ay ayos lang.

"Hello po." Bungad ni Ken sa dalawang tao na nasa salas.

"Oh Ken, nandito ka na pala. Kumusta ang paglalakad?" ani Tita Coring.

"Ayos lang naman po. Ang ganda po pala talaga dito noh?" kwento nya sa matanda.

"Mabuti naman at nag-enjoy ka." Ani rin ng matanda habang naka-ngite sa kanya.

"Hala," ani Ken ng Makita ang album mula kay Jade. "Kanino to?" tanong niya rito.

"Kay Tita Coring." Nagulat namang ani Jade.

"Bakit po may ganitong picture kayo Tita Coring?" takang tanong niya.

"Ah yan ba? Mga kaibigan ko yan noong College." Aning matanda na nagulat din sa reaksyon ni Ken sa mga larawan. "Ito si Kenneth Cortes at ito naman si------" natigil siya ng mapansin ang pananahimik ni Ken. "Bakit? May problema ba?" ng makitang naglandasan na ang mga luha nito sa pisngi.

"Siya po ang tatay ko." Sabay turo sa larawan ng lalaking naka-akbay sa isang babae.

Nagulat ang lahat sa rebelasyon ni Ken kaya napatingin silang lahat dito.

"Diba sabi mo patay na ang tatay mo at hindi mo pa siya nakita at nakilala?" gulat na tanong ni Mimi

"Ganitong picture din kasi ang iniwan ng nanay ko sa akin bago siya namatay. Oo, hindi ko pa siya nakikita kasi iniwan niya ang nanay ko noong ipinagbubuntis ako nito." Pinahid niya ang luhang naglandasan sa kanyang pisngi habang tinitingnan ng maigi ang hawak na larawan.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng matanda sa dalawang bata na nasa harapan niya.

"Ta--tatay mo siya?" halos di makapagsalitang tanong ni Jade.

Tumango lang ang babaeng tinatanong. Ni hindi ito tumingin sa kanya at nakapako lang ang mga mata sa larawan.

"Akalain mo nga naman oh. Kung ganon------" hindi maituloy-tuloy ni Jade ang sasabihin, ang totoo hindi rin niya alam kung papaano sisimulan ang salitang gustong sabihin.

"Oo Jade," putol ni Tita coring sa maaari pang sabihin ni Jade.

Napatingin ang lahat kay Tita Coring, nagtatanong ang mga mata kung ano ang nangyayari doon, humihingi ng paliwanag.

"Si---siya rin ang tatay mo." Sagot ni Tita Coring sa katanungang di mabitawan ng lahat.

Nagulat si Ken sa rebelasyon ng matandang nasa harapan at lumipat ang tingin kay Jade.

"Siya ang taong minahal ng mama mo, ni Evelyn ng sobra kahit pa man nakatakda na siyang ikasal noon kay Joaquin. Kapwa ipinaglaban parin nila ang kanilang pagmamahalan pero hindi na nagkaroon ng masayang pagwawakas." Pagku-kwento ni Tita Coring. "At maaaring magkapatid kayong dalawa sa ama."

Nagkatinginan ang dalawa. Parehong walang masabi ang dalawa sa isa't-isa. Ang iba naman ay tila nanonood ng ng pelikula na nag-aabang kung ano ang mangyayari.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon