CHAPTER 24

72 29 3
                                    

HAWAK nya ang cellphone pero nagdadalawang isip sya kung tatawagan ba ang babae o hindi. Malamang ayaw sya nitong maka-usap pero kailangan nya itong maka-usap. Gusto nya itong kausapin ulit, nami-miss na nya ang babae at tila nahihirapan na syang huminga dahil sa matagal na pagkawala ng presensya ng babae sa kanyang buhay.

Pinasadahan nya ng tingin ang wallpaper ng kanyang cellphone, picture ng babae ang nandoon. Humugot sya ng buntong hininga saka tuluyang idinayal ang numero ng babae.

The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please------

"Shit!" Hanggang ngayon di parin nya ito makontak.

Nasapo nya ang mukha. Bakit ganoon? Ang dali para sa babaeng kalimutan ang lahat ng tungkol sa kanilang dalawa habang sya ay hindi parin matanggap ang mga nangyari.

Kung hindi nya ito makaka-usap sa telepono ay pupuntahan na lang nya ito. Gusto nya rin itong makita, kahit makita man lang. Agad na syang umalis para puntahan ito ng pagbukas nya ay biglang makita nya si Allysa sa harap ng kanyang pintuan.

"Can we talk?" anito.

Malaki na ang tyan nito. Iba na rin ang hitsura nito kesa noong huli sila nitong magkita at mag-usap.

"Anong kailangan mo?" malamig niyang tanong sa babae

"We need to talk." anito lang

"Tungkol saan?"

"Tungkol sa atin Li at sa magiging anak natin." anito

"At gusto mo talagang maniwalang akong anak ko yan?"

"Oo, dahil yon ang totoo." she's desperate

"Stop this nonsense Allysa." iwinaksi nya ang kamay ng babaeng nakahawak sa kanya. "Kung gumaganti ka lang dahil sa nangyari sa ating dalawa, wag ito ang gawin mo. Pinapababa mo lang ang tingin ko at ng mga tao sayo."

"Li, anak mo 'to. Hindi ako magkaka-ganito kung hindi totoo ang mga sinasabi ko. May nangyari sa atin bago tayo tuluyang naghiwalay. Hindi mo ba yon natatandaan?" halos maiyak na ang babae sa pagsasabi niyon.

"Ipagsisiksikan mo talaga sa akin yan?"

"Dahil yon ang totoo Li."

Hindi sya makapaniwalang pinagtutulakan nitong sya ang ama ng batang ipinagbubuntis nito. Hindi sya makapaniwalang gagawin iyon ng babae para lang makuha sya ulit.

"Li, maniwala ka naman sa akin." dumaloy na ang masaganang luha nito habang hawak parin sya nito sa kamay.

"Let go of me." mahinahon ngunit may diin sa pagkakasabi nya non.

"Li, please." napahugolgol na ito.

"Bitawan mo ko kung ayaw mong masaktan."

"Li please. Wag mo naman itong gawin sa akin." sumamo nito sa kanya.

"Hindi mo lang ba matanggap na matagal na tayong wala kaya kung anu-anong pinaggagawa at pinagsasabi mo, huh? Ganyan ka na ba ka-desperada?"

"Yon ang totoo, bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?"

"Dahil hindi naman to kapani-paniwala. Tigilan mo na itong kalokohan mo. Pareho nating alam kung anong totoo. Wag mong hintaying mapahiya ka." 

"No Li, this is the truth."

"Nasisiraan ka na." Yon lang at iniwan na nya ang babae.

Wala ng nagawa ang babae kundi ang tingnan ang papalayong binata hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon