CHAPTER 17

49 27 0
                                    

HINDI sya makatulog kaya ay lumabas na muna sya para magpahangin. Maaliwalas ang buong kalangitan sa laki ng buwang parang kay laki sa pakiwari nya saka dumagdag ang mga bituing nagkikislapan.

Naalala pa nya ang sinabi ni Jade, kung si Jusaine daw ang buwan sya naman ang mga bituin. medyo matagal na rin ng makilala nya ang binata at inaamin nyang malakas talaga ang sex appeal nito kasi naman kahit wala itong gawin ay napapatalon nito ang puso nya.

Napabuntong hininga na lang sya. Ang mga tulad ni Jade ay parang panaginip lang na mahirap magkatotoo.

"Pst!!!"

Napalingon-lingon sya sa kung sino yon hanggang sa mapadako ang kanyang tingin sa baba at mapagsino ang nakatayo doon. Biglang kumabog ang kanyang puso na hindi nya mawari. Pamilyar ang kabog na iyon kaya malamang kilala nya kung sino ang nasa ibaba.

"Jade?!" gulat nyang tawag dito

Ngumite ito sa kanya at kumaway. Agad na syang bumaba para puntahan ito at malaman kung bakit naroon ito sa dis-oras ng gabi.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat nyang tanong sa lalaki

"Kailangan ko tulong mo." anito

"Huh? Tulong? Para saan?" naguguluhan nyang tanong. Parang imposible naman kasi na ang isang Jade Sta. Rosa ay hihingi ng tulong sa isang Mimi Ledesma.

"Basta. Libre ka ba?" anito lang

"Oo, pero sandali lang at magbibihis lang ako." aniya saka agad ng pumasok sa loob ng bahay para magbihis.

Hindi nya alam kung ano ang problema nito at kailangan nito ang tulong nya pero sa ngalan ng crush nya ito kahit saan sya nito dadalhin at paano sya nito gagamitin ay papayag na sya.

Napatigil sya saglit. "Gagamitin?" napalunok sya sa naisip. "Hindi naman siguro." saway nya sa sarili.

"I'm ready." bulabog nya sa tahimik na nakatalikod na binata.

"Tara."

Agad na syang hinila ni Jade papasok sa kotse nitong nakaparada sa di kalayuan. Gusto pa sana nyang magsalita pero hindi na rin nya ginawa. Seryoso itong nakatingin lang sa daan habang nagmamaneho at binabagtas nila ang kahabaan ng Makati Avenue. Nagulat pa sya ng ipasok nito anmg koste sa malaki at magarang bahay.

"Look, all you have to is to pretend that you are my girlfriend. Buntis ka at kailangan kitang panagutan at pinalayas ka sa inyo. Ok?"

"Huh? Sandali hindi ko ma-gets."

"Alin ba ang hindi mo ma-gets doon?"

"Bakit ako buntis? Hindi naman tayo nag------"

Napapalatak lang ng tawa si Jade sa reaksyon nya. "Kunwari nga lang."

"Para saan ba kasi to?"

"May bahay kasi ako sa may Urdaneta Village, kaso hindi nya ibinibigay sa akin yon."

"Sino?"

"Step father ko. Balak ko kasing doon na itira si Ken ng sa ganoon ay hindi na sya mahirapan doon sa boardinghouse nya."

"Ah. Ok, gets ko na. Lets do this." aniya

"Good."

Pagkababa ay agad na sinalubong ng matandang babae na sa pakiwari nya ay katulong ng mga Sta. Rosa.

"Manang nandyan ba sya?"

Nagmano si Jade sa matanda. Lalo yatang tumindi ang pagka-gusto nya sa binata dahil magalang ito.

Tumango lang ang matandang babae kaya agad na silang pumasok sa malaking bahay. Inabutan nilang nasa salas ang lalaking sa pakiwari nya ay nasa 50-60 years old na ito dahil na rin sa makisig nitong pangangatawan.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon