CHAPTER 22

88 27 5
                                    

KANINA pa sila walang kibuan na dalawa ni Jade matapos silang maglaro at ngayon nga'y nagpapahinga. Pareho silang naghihintay kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa.

"Kumusta na pala kayo ni Mimi?" basag nya sa katahimikan.

"Ok lang. Parang may sapi yon kanina eh." anito

"Bakit naman?"

"Nagyaya ng-- alam mo na."

"Ano?!" gulat nya sa sinabi nito

"Grabe sa reaksyon oh." itinuro pa nito ang mukha ng kaibigan

"Eh sa ganoon ako magulat eh. May pabitin-bitin ka pa kasing nalalaman eh. Ano ba kasi yong ano?"

"Niyaya nya akong doon matulog sa kanila. Yon yon dude, hindi yang iniisip mo."

Natawa lang si Li sa sinabi ni Jade.

"Pumayag ka?"

"Hindi."

"Bakit naman hindi?"

"Basta."

"Alam ko, baka di mo mapigilan ang sarili mo noh?" natatawa pa din sya sa kaibigan.

"Hindi ah, you know me."

"Weeh? Yong totoo? Aminin mo na, tayo lang naman tong dalawa oh."

"Oo na. Lam mo namang mag-iisang taon na yong huli eh." nakangite sya ng pilyo

Napapalatak ng tawa si Li.

"Kung makatawa akala naman to parang kahapon lang nakadilig ah." anito

"Masama bang tumawa?"

"Eh ikaw eh, mga ganyang tawa mo talagang may ibig sabihin palagi."

"Lalo ka naman."

Nagkatawanan lang silang dalawa. Maya-maya pa'y natahimik na silang dalawa ng tumunog ang cellphone ni Jade. Malamang si Mimi ang nagtext kaya naman parang sinilihan si Jade at nadampot agad ang kanyang cellphone.

"May sasabihin ako." sya na ang unang bumasag sa katahimikan.

"Ano yon?" ani lang ni Jade na hindi nakatingin sa kanya at busy lang sa kaka-text.

"Si Ken." aniya lang

Nakuha nya ang atensyon nito. Maigi sya nitong tiningnan deretso sa kanyang mga mata. Natetensyon tuloy sya. Kahit pa kilala na nya si Jade kailangan parin nyang maging maingat sa sasabihin nya sa binata lalo na nga at may kinalaman ang kapatid nito.

"Pumayag na syang ligawan ko." aniya

"Oh," anito lang

"Dude, seryoso ako."

"Eh?"

"Yeah, I'm serious here."

"So?"

"Nagtitipid ng salita?"

"Eh kasi naman, sinabi na ni Ken yan sa akin eh. Wala bang originality dyan dude? Yong at least masasabi kong, ito ang hindi ko pa alam."

"Pahamak, samantalang kanina pa ako nag-iisip kong sasabihin ko o hindi, nasabi na pala nya sayo."

Napakamot lang si Jade sa batok.

"Sana man lang nagpanggap ka na lang noh? Para naman di ako nagmukhang ewan." tumingin sya sa dulo ng kalsada mula sa kanilang kina-uupuan ni Jade.

Tumawa lang si Jade. "Eh kasi naman, nung nakaraang linggo ka pa pinayagang manligaw tapos ngayon mo lang sasabihin sa akin. Tama ba yon? Eh di naunahan ka ni Ken." kantyaw lang ni Jade

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon