CHAPTER 4

63 26 1
                                    

LAHAT NAKATINGIN sa kanya ng pumasok sya ng Gym wearing his favorite Jersey bearing his favorite number, #14.

"Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo?" bungad nya sa mga ito ng mapansing sa kanya nakatingin ang lahat.

"Gwapo ka parin kasi kahit dumurugo at durog na yang puso mo." Napahagikgik si Jade sa sinabi.

"Sira!" sabi lang nya saka ginulo ang buhok nito. "May gauss na ito uy, matagal ng natigil ang pagadurugo." Tumawa siya sa sinabi.

"Okay ka na Kapi?" si Randy iyon na sobrang gulat sa pagpunta nya sa practice nila. Kausap lang nya ito kagabi at ramdam nyang wala talaga itong ganang mag-practice ni magpakita sa buong eskwelahan.

"Mukha ba akong hindi okay?" balik tanong ni Li sa kanya na nakangite.

"Hindi naman, tama nga si Jade eh, gwapo ka parin." Napahagikgik sya ng tawa.

"Yong totoo, nababakla ba kayo sakin?" sya naman ang pumalatak ng tawa.

Nagkatawanan ang lahat. Di nila lubos maisip kung bakit ipinagpalit ni Allysa de Jesus ang isang Leewayne Valderama sa isang taga Glee Club na wala namang binatbat sa binata. Ganon pa man masaya parin sila at at di parin nagbabago ang kanilang Team Captain sa kabila ng lahat.

"Kapi, sigurado ka bang ikaw talaga yan?" pabirong tanong ni Dennis

"Mga sira talaga kayo, ayaw nyo bang nandito na ako?" pabiro rin saad "Kasi kung ganoon, uuwi na lang ako at matutulog."

"Akala kasi namin aabutin pa ng ilang buwan bago ka tuluyang makaka-moved on." Si Dennis iyon na napapakamot sa batok.

Tumawa ng malutong si Li.

"Sabi nyo nga diba, masyado akong gwapo para mukmokan ang ganoong pangyayari, hindi pa iyon ang magpapataob sa akin. At isa pa, breakup lang yon, hindi pa katapusan ng mundo." Tumawa sya ulit ng malutong.

"Sabi mo yan huh." Ani Jade.

"Oo naman." Mayabang niyang sagot sa kaibigan.

"Oh, walang kukupad-kupad, kailangang kumilos, lahat may pagkakataon na makahawak ng bola at maka gawa ng points kaya di pwedeng basta-bastahin lang. Nagkakaintindihan boys?" sigaw ng coach nila mula sa bleachers.

"Aye!" sabay-sabay nilang sigaw.

Team A versus Team B ang naging set up nila sa practice game na yon. Nasa team A sina Raymond Ohara #23, Top Ferrer #27, Rigid Tan #32, Renz Lopez #35 at Dennis Natividad # 41. Nasa Team B naman sina Li Valderama #14, Jade Sta. Rosa # 20, Charles de Luna #3, Bob Alapag #50 at Randy Lau #11.

"Huwag kayong babagal-bagal. Kilos!"

Mahigpit ang laban lalo na nga't si Li at Jade ay parehong nasa iisang team. Ang dalawa ang masasabing pinaka-magaling sa kanilang team, pagdating sa court ang gwapong mukha na tinitilian ng lahat ay nagiging mga leon na handang lumapa ng kahit na sino maprotektahan lang ang kanilang teretoryo.

"Subukan natin?" pabulong na sabi ni Jade kay Li na nasa likuran.

Tumango lang si Li saka mariing pinagmasdan ang direksyon ng bola. Hawak ito ni Raymond Ohara na nasa 3 points field ng court.

"Tara!" ani Li kay Jade saka tumakbo na sa direksyon ni Raymond.

Nakita ni Raymond ang pagdating ni Li kaya umiwas sya saka ipinasa ang bola kay Top Ferrer, isa sa mga point guard ng Team gaya ni Jade. Umikot ito sa likuran ni Li. Nagkagulo ang lahat ng biglang makuha ni Jade ang bola mula kay Top. Patakbo namang pumwesto si Li sa 3 points field ng court na binantayan si Raymond. Walang kurap na pinasa ni Jade kay Li ang bola mula sa likuran at pumwesto rin sa 3 points field. Madaling nabantayan ng Team A si Li at nahabol nila ang bola at nabantayan nila ang pag-shoot ni Li pero pineki nito ang tira at mabilis pa sa alas-kwatrong ipinasa ulit iyon kay Jade. Bago pa nakita ng kalaban ang bola na na kay Jade na ay naitira na ito ng huli. 3 points! Agad bumalik sa kabilang court ang mga kasama.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon