CHAPTER 13

51 26 0
                                    

NAPUNO ng pagdadalamhati ang buong paligid at tila ba nakikisimpatya naman ang langit sa pagdadalamhati ng pamilya Sta. Rosa sa unti-unti nitong pagpatak na tila ba mga luhang unti-unti nangigilid sa pisngi.

Napahagugol na rin si Ken sa kalungkutang nakikita sa buong paligid. Ito ang huling pagkakataon na makikita ng kaibigan ang ilaw ng kanilang tahanan.

Habang pigil naman ni Jade ang kanyang pag-iyak habang naka-alalay lang si Li sa likuran ng kaibigan at hawak naman ang kamay ni Ken sa kanang kamay.

Naroon din ang lahat ng mga kaibigan at teammates nila at nakikiramay sa kawalan ni Jade. Ito na ang pinaka-malungkot na bahagi ng pamamaalam, ang isiping kailanman ay hindi nila ito makikita at tanging bato na may pangalan nito ang maiiwan.

"Hindi ka pa tapos umiyak?" pabirong kantyaw ni Li kay Ken ng nasa sasakyan na sila.

"Sira!" pasinghot-singhot nyang sabi.

Napangite si Li sa kanya. "Dinaig mo pa kasi si Jade sa pag-iyak dyan eh. Yong totoo, ikaw ba si Jade?" pumalatak sya ng tawa.

"Aning ka talaga." Napanguso siya rito. "Nga pala, isasama ba talaga natin si Jade?"

"Oo pero hindi ko pa nakakausap eh."

Napatango sa lang si Ken sa sinabi ng binata. Napabuntong-hininga naman ito. Tama namang palapit si Jade sa kanila.

"Dude, pwede bang sumabay?"

"Oh ba. Sakay na." aniya lang.

Habang daan ay wala silang imikan. Si Jade ay nakatulog na sa likuran sa sobrang pagod, samantalang si Ken ay pinagkakasya naman ang sarili sa pagtingin-tingin naman sa kanilang dinadaanan, si Li naman ay sa pagmamaneho nakapukos ang atensyon.

"Paano mo kakausapin yan?" ani Ken habang nakatingin sa direksyon ni Jade na nasa backseat.

"Kakausapin ko na lang kapag nagising na siya. Don't worry makakasama tayo." Pakunswelo na lang niya sa dalaga.

Tumigil sila sa nadaanang Drive Thru para makabili ng makakain habang nasa byahe sila, kanina pa din siya nagugutom.

"Salamat." Ani Ken ng iabot ni Li sa kanya ang isang burger.

"Saan na tayo dude?" ng makitang tumigil sila sa daan.

"Malapit na tayo, oh kumain ka muna." Inabot ni Li ang isang supot ng burger. "Nga pala, baka gusto mong sumama."

"Saan?" anito

"Sa Camiguin, kina Mimi." Si Ken na ang sumagot sa binata.

"Camiguin? Anong gagawin natin doon?"

"Magpapahangin? Kunting lay-low para naman maibsan mga dinaramdam natin." Ani Li na kinukumbinse parin ang kaibigan.

"Sige sama ako." Agad naman nitong disisyon.

"Good, kasi kung hindi kakaladkarin kita panigurado." Birong-totoo dito.

Pumalatak ng tawa si Jade, "Eh, kailan tayo aalis?"

"Mamaya."

"Mamaya agad?" halos mabilaokan ito sa narinig mula kay Li. "Paano yan? Wala akong madadalang damit, ayaw ko pang umuwi muna sa bahay."

"Para ano pa't naging magkaibigan tayo?"

"Good." Ani Jade

Nangi-ngite na lang si Ken sa dalawa. Masyado talagang malapit ang dalawa sa isa't-isa, kung hindi nga lang niya kilala ang dalawa baka inisip na nyang isa sa mga ito ay may gusto sa isa.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon