CHAPTER 12

82 28 2
                                    

KANINA pa sya tumatawag sa cellphone ni Ken pero hindi pa rin ito sumasagot, nakapatay ang cellphone nito. Nag-aalala na sya, nagsisisi tuloy sya at pumayag sya na maghiwalay sila ng dadaanan. Hindi sya mapakali. Kanina pa sya balisa at hindi nya mawari ang sarili.

"Dude, okay ka lang?" ng lapitan sya ni Jade

"Huh? Ah, Oo naman, I'm fine." Ngumite sya rito para ipakitang okay lang sya.

"Sure?"

Tumango lang siya saka ngumite para makampante na ang kaibigan.

"Sumunod ka na lang sa loob huh, aasikasuhin ko muna yong mga nasa loob."

"Sige-sige Dude."

Iniwan na sya ni Jade at pumasok na ito sa loob. Muli nyang sinipat ang cellphone saka ng hindi makuntento ay muli nyang idinayal ang number ng dalaga.

The number you have dialed is-----

Ganoon pa rin. Nakapatay pa rin ang cellphone nito. Mas lalo syang nag-aalala dito. Sinipat muna nya ng maigi ang cellphone bago tuluyang ibinulsa iyon sa suot na pantaloon. Agad na syang sumunod sa kaibigan sa loob para tulungan ito doon, gusto nyang aliwin muna ang sarili at gusto nyang pigilan ang sarili na puntahan na ang babae. Marahan siyang napabuntong-hininga.

Ngunit natapos na lang ang lahat ng gagawin at kahit kasama nya ang mga kaibigan ay hindi pa rin nya maiwasang isipin ang babae. Balisa pa rin sya at hindi mapakali.

"Dude, kanina pa yan ah. Bakit?" ani Jade habang umiinom sila ng kape sa kusina.

Napabuntong hininga muna si Li bago sumagot sa kaibigan. "Nag-aalala ako kay Ken eh." aniya

"Oh? Kakaiba yan Dude, abnormal yan para sayo." Kantyaw ni Jade

"Seryoso ako dude." Ani lang nya

"Don't tell me nag-aalala ka kasi in-love ka na?" kantyaw pa rin nito.

"Hindi naman sa ganon pero kasi-----"

"Haay naku Leewayne Valderama, kilala na kita, okay? Kahit ano pang palusot ang sabihin mo, ganyan------" sabay turo sa mukha nito "Ganyan talaga hitsura mo kapag in-love ka." Anito

"Sige na in-love na kung in-love. Bahala ka nga mag-isip dyan." Nanahimik na sya matapos sabihin iyon sa kaibigan. Wala sya sa mood makipagkulitan dito.

Mangite-ngite lang si Jade sa kaibigan. Sapol kasi ito kaya ganoon, nananahimik.

Biglang tumunog ang cellphone ni Li kaya daig pa nito ang sinilihan sa puwet na agad nadampot ang cellphone. Agad tiningnan kung sino ang nagtext.

"Oh sino naman yan?" akmang titingnan ang cellphone ni Li

"Dude," anito

Nagkibit-balikat na lang si Jade saka ibinalik sa kape ang atensyon habang nakangiteng tinitingnan lang ang kaibigan.

Naka-uwi ka na? Dito ako kina Mimi, dito na lang muna ako matutulog malakas pa kasi ang ulan at gabi na rin. Lowbatt nga pala ako. *smiley emoticon*

Napangite na si Li ng malaman na okay lang ang babae at safety itong nakarating kina Mimi.

"Oh, anong nginite-ngite mo dyan?"

"She's fine." Matipid nyang sabi

Napangite na rin si Jade. Tila tinamaan na nga ang kaibigan nya sa babaeng iyon. In-short, umiibig na ulit si Li at masaya sya para rito.

"Dude huh, tell me, what are you thinking?"

"Wala naman ah." Tanggi niya.

"Parang meron eh."

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon