CHAPTER 31

67 26 11
                                    

NAKAHANDA na ang mga dapat nilang ihanda para sa pag-uwi ng dalawang binata. Susurpresahin nila ang mga ito. Maliban kasi sa unang araw iyon ng dalawa sa hospital na pinapasukan ay anniversary pa iyon nina Jade at Mimi.

"Andyan na sila." masayang balita ni Jusaine sa dalawa.

Agad na silang nagtago sa sulok para hindi makita ng dalawang parating. Pinatay pa nila ang ilaw para ipaalam kunwari na walang tao doon. Maaga pa kanina ay etenext na ni Mimi si Jade na may pupuntahan at baka gabihin ito ng pag-uwi sa bahay kung saan sila nakatirang lima.

"Walang tao?" ng buksan ni Li ang pinto ng bahay

"Baka nagsama-sama nanaman yong tatlo. Ku, saan nanaman kaya nagpunta ang mga yon." ani Jade saka isinandal sa sofa ang katawan.

"Napagod?" mangite-ngiteng ani Li habang tinatanggalan ng higpit ang kanyang suot na tie.

"Dude, may dalawa kaming inoperahan kanina syempre kakapagod yon." anito

"Weeh? Eh nakita ko kayang naglaro ka lang ng coc sa opisina mo." kantyaw din ni Li na nakaupo na rin sa katapat na sofa.

Natawa lang si Jade sa sinabi ng bestfriend, "Totoo talagang may inoperahan kami kanina. At--"

"Namatay?" pangunguna ni Li sa sasabihin pa. "Para namang hindi ka sanay dyan. Naalaa mo yong batang ibininta sa atin nong nanay na namatay din sa pag-oopera natin?"

Napakamot lang sa ulo si Jade, natatandaan nya yon, yong halos isang buong buwang hindi sila pinatulog ni Li dahil naalala nila ang batang yon. Yon ang kauna-unahang batang namatay sa kamay nila ni Li. Namatay sa kamay nila.

"Kasi--------"

 "Surprise!!!!!" bago pa man nya madugtungan ang kanyang sasabihin ay agad ng bumulaga ang mga babae sa kanilang harapan na may dalang mga lobo.

"Happy anniversary." ani Mimi na agad umupo sa kandungan ni Jade

"Woow!" aniya lang na nakangite. Infairness, kinilig sya sa ginawa nito at na-surpresa sya,  tapos ay humalik ito sa mga labi ng binata na sinuklian naman nito.

Si Ken naman ay humalik din sa pisngi ng boyfriend at yumakap.

"At syempre, congratulations dahil finally nasa totoong hospital na kayo." ani Jusaine na hawak ang limang wine glass na nasa tray.

Agad iyon kinuha ni Li at ibinigay sa iba pa.

"Hoy La, matagal na kaming nasa hospital." ani Jade "Hindi mo ba alam, estudyante palang kami nasa hospital na kami."

"Lolo, ang ibig ko sabihin ay ganap nyo ng magagamit ang pagiging mga doktor ninyo."

"Lulusot ka pa eh." kantyaw pa ni Jade

Nagkatawanan naman ang iba pa. Asar-talo talaga ni Jade si Jusaine kahit noon pa. Nag-pout na lang ang babae ng wala ng maisagot sa binata.

"Oh sya, tara na kumain na tayo at ng makapagpahinga na itong mga doktor natin." ani Ken na nagpatiuna na sa dining na agad namang sinundan ng apat.

Inukupa agad nila ang mga upuang nasa harap ng mesa habang masayang naghaharutan sina Jade at Jusaine.

"Guys, hahabol pala si Zane huh. Wag mong uubusan ng pagkain Lo." ani Jusaine ng magsimula na silang kumain.

"Naku, sabihan mo syang magdala sya ng makakain nya." sagot lang ni Jade.

"Ang takaw talaga nito oh." ani lang ni Jusaine na tinuro pa ng tinidor si Jade

Dinilaan lang ni Jade si Jusaine na parang batang nagpout naman.

"Kumain tayo, itinigil nyo na yan." saway lang ni Ken sa dalawa habang naglalagay naman ng pagkain sa pinggan ni Li

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon