CHAPTER 8

88 29 6
                                    

GUSTO nyang magalit sa ginawa ni Li na paghila sa kanya, gusto nya itong hambalusin ng kahit ano mang bagay na mahawakan nya sa sobrang inis nya sa binata. Hindi sya sanay na hinihila sya ng ganon na para bang batang nagkasala ng malaki at kailangang kaladkarin pauwi sa bahay. Pakiramdam nya ay napahiya sya sa ganoong eksena.

"Ano ba?" asar nyang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak nito ng makalabas na sila.

"Anong ginagawa mo dito?" ma-otoridad nitong tanong.

"Kailangan ba talagang itanong ang obvious?" inis nyang sagot dito. Kung umasta ito ay para itong boyfriend nya talaga.

"Huwag kang pilosopo, bakit ka nandito? Sino kasama mo?" matigas nitong tanong

"Ako lang mag-isa. Bakit? Kailangan ba may kasama ako para maka----"

Hindi na sya nito pinatapos sa pagsasalita, agad sya nitong hinila papasok sa kotse nito na nakaparada sa harap ng bar na iyon.

Nagpunta sya doon matapos makita ang invitation card na ipinadala ni Wenna kaninang umaga. Alam nyang gusto lang nitong ipagyabang ang nalalapit nilang engagement party ni Jonathan pero para itong bomba na sumabog sa kanyang harapan at wala syang magawa para maka-ilag at sa puso sya tinamaan. Durog na nga ay pinulbos pa nila ng husto.

Pinaharurot ni Li ang sasakyan, hindi nya alam kung saan niya dadalhin ang dalaga, gusto lang nya itong ilayo sa lugar na iyon.

"Ibaba mo ako," utos nito sa kanya.

Hindi lang sya umimik.

"Ibaba mo sabi ako eh!" inis na inis na ito.

Hindi pa rin sya umimik at tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho.

"Ano ba!?"

Umiiyak na ito, hindi nya tuloy mawari kung dahil sa inis sa kanya o sa kalasingan nito o dahil sa pinagdadaanan nito ng mga oras na iyon. Inihinto nya ang sasakyan sa hindi mataong lugar.

"Hindi kita isinama doon ng minsan para ay ulit-ulitin mo na para bang okay lang na gawin mo iyon. Babae ka pa rin at hindi magandang tingnan na umiinom ka doon lalo na at mag-isa ka." Aniya, puno ng pag-aalala ang boses nya.

Hindi nya alam kung sermon ba iyon o kung ano pero ramdam nyang sobra syang nag-alala para sa babae kaya nga ay agad nyang pinuntahan iyon doon noong etext sya ng kaibigan nya na nagtatrabaho sa bar na iyon.

Tahimik lang ito na parang bata na pinagsasabihan ng nakakatanda sa kanya. Hindi ito kumikilos sa pagkaka-upo sa kinauupuan.

"Yes, I may not your boyfriend; we're not even friends kaya wala akong karapatan para sabihin ito sayo." Gusto nyang ipamukha sa dalaga kung gaano sya nag-aalala para rito. "Kung ano man yang pinagdadaanan mo hindi naman alak ang sagot dyan eh."

Tahimik pa rin ito. Sumakop sa kabuohan ng sasakyana ang katahimikan hanggang sa ang malakas na patak ng ulan na lang ang naririnig nila.

"Ayaw kong may mangyaring masama sayo." Aniya lang sa kabila ng tahimik na pag-iyak nito.

"Sana pinabayaan mo na lang ako, gusto kong mapag-isa." Sa gitna ng pag-iyak nito.

"Iniisip mo talaga na ayos lang na pabayaan kita?" hinarap nya ito, "You have no idea kung gaano ako nag-alala sayo ng malaman kong umiinom ka doon."

"Eh di sana hindi mo na lang inalam." Lumabas ito ng kotse at naglakad palayo.

"Ken!" tawag nya rito. Lumabas na rin siya para habulin ang dalaga. "Ken ano ba?" pinigil nya ito sa braso, "Huwag ka ngang parang bata." Naiinis na sya sa inaasal nito.

"Eh ano ngayon kung para akong bata?" binawi nito ang braso na hawak nya. "Umalis ka na, iwan mo na nga ako, hindi naman kita kaanu-ano eh." Anito

"So, yan pala ang tingin mo sa akin?" nasaktan sya sa sinabi nito.

"Bakit? Totoo naman ah, hindi naman kita boyfriend ah, bakit ka ba nakikialam sa akin?"

Hindi sya nakapagsalita sa sinabi nito. He's never been possessive sa kahit na sino, ni hindi sya marunong ipagpilitan ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya dahil ayaw nyang masaktan ng ganito. Pero bakit pagdating sa babaeng ito daig pa nya ang kung sino na nagmamay-ari rito.

"Iiwan mo rin naman ako tulad nya, ibabasura mo rin ako kapag may nakita ka ng iba. Hindi mo rin naman kayang maging akin lang eh." sa gitna ng pag-iyak nito ay nasabi nito ang mga bagay na iyon.

Marahil sobrang sakit at bigat ng pinagdadaanan nito. Hindi ito maglalasing ng ganoon kung wala itong pinagdadaananang mabigat. Hinila nya ito saka niyakap.

"Ayaw ko ng umasa, ayaw ko ng masaktan." Napahagulgol ito habang yakap nya.

Gusto sana nya itong hayaan na umiyak hanggang sa mapagod ito at tumigil na pero hindi yata nya kakayanin na makita ito sa ganoong sitwasyon. Gusto nyang iparamdam sa dalaga na nasa tabi lang sya nito kahit ano pa man ang mangyari.

Hinigpitan nya ang yakap dito habang bumubuhos ang malakas na ulan na tila ba nakikisabay sa pag-iyak ng babaeng kanyang yakap.

INABUTAN nyang nagmumukmok ang kaibigan sa laboratory na tila ba may iniisip na napakalalim. Gusto sana nya itong gulatin pero baka mapagalitan pa siya nito.

"Dude?" tawag nya sa pansin nito.

Tiningnan lang sya nito.

"Tara, gala tayo."

"Pass muna ako."

"Ano ba kasi yang iniisip mo?"

"Wala lang to, hindi naman importante to."

"May maitutulong ba ako?"

Umiling lang ito. "Wala naman akong problema."

"Eh bakit ka nga nagmumukmok dito? Hindi ka naman usually nagtatagal dito eh. Nakakagulat."

Napabuntong hininga si Li.

"Iniisip ko lang si Ken, galit sya sa akin."

"Huh? Bakit? Nag-away kayo?" sunod-sunod nyang tanong.

"Hindi ko alam eh."

"Huh? Bakit parang ang labo yata?" naguguluhan nitong tanong. "Kung wala ka namang ginawa na masama sa kanya, eh bakit naman yon magagalit?"

"Yon nga eh, hindi ko din alam kung ano ang nagawa ko."

Napaisip lang si Jade. Naguguluhan sya sa sitwasyon ng kaibigan. Bakit ito namomoroblema na galit ito? Ano ba talaga ang meron at tila hindi nya nalalaman.

"Bakit di mo puntahan at linawin ang lahat?" suggestion na lang niya.

"Tapos? Ano sasabihin ko?"

"Eh di pag-usapan nyo kung anong problema."

Napabuntong-hininga lang ang kausap.

"Eh kasi, akala ko ba hindi ka muna maghahanap ng girlfriend? Tapos ngayon, ayan."

"Dude."

"Oo na, alam ko naman eh, pero sana hindi ka muna nagpasubo."

Hindi nya alam kung ano ang dapat nyang gawin at lalong hindi nya masabi sa kaibigan ang tunay na sitwasyon nila ni Ken. Wala tuloy syang mapagsasabihan tungkol sa pinagdadaan. Kaya mas lalong naghihirap ang kalooban niya.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon