CHAPTER 32

71 28 8
                                    

HALOS maghalo na ang kanyang pawis, luha at sipon sa kanilang sitwasyon ngayon. Natatakot sya sa maaaring sapitin ng babae na ipinasok ngayon sa emergency room habang nasa labas lang sila at naghihintay ng resulta. Tumagos sa baga nito ang bala, sigurado sya doon kaya nakakasiguro syang delikado ang sitwasyon ng babae.

Isa sa pinaka-imporatanteng organ ng tao ay ang baga. Ito yong tumutulong para makarating ang hangin sa ating red cells sa ating dugo. Red blood cells then carry oxygen around the body to be used in the cells found in our body. Kaya kailangang nasa maayos ang function ng baga ng tao.

Matagal---------

Halos hindi na sya makahinga sa sobrang pagkabalisa. He is a Surgeon and yet wala syang magawa kundi ang maghintay sa labas. Maghintay sa maaaring sapitin ng babaeng nasa loob ngayon. Sya ang dapat sisishin sa kung ano man ang mangyayari sa babae, siguradong hindi sya mapapatawad ni Jade.

Ipinikit nya ang kanyang mga mata, tahimik na nananalangin na iligtas ito ng Diyos, na bigyan pa sila ng pagkakataon para magkasama pa ng matagal. Sa oras na iyon, tanging yon na lang ang kanilang magagawa, ang manalangin.

Napapitlag sya at ang mga kasama sa upuan ng bumukas ang pinto ng ER, ng lumabas mula doon ang babaeng nakaputi, si Dr. Fatima Uy, ang head Surgeon ng naturang hospital.

"Dok, kumusta? Kumusta sya? Is she ok? Pwede na ba ko na ba syang makita? Makausap?" sunod-sunod nyang tanong sa doktora na halos takbuhin nya ang pagitan nila nito.

"Calm down Dr. Valderama," panimula ng doktor habang nakatingin deretso sa kanyang mga mata.

"I need an answer, right now." mahinahon ngunit may diin sa kanyang mga salita na ikinataranta ng doktora

"Dr. Valderama, you are also a doctor, you know my point and you understand it." aning doktor.

Natahimik sya, alam nya, oo alam nya iyon.

"Dok, please." si Jade iyon na hindi na rin makapaghintay sa ibabalita ng doktor. Alam na alam nya kapag ganoon ang panimula ng isang doktor.

"I'm sorry." aning doktor

Kasabay niyon ay ang pagpikit ng kanyang mga mata. Nasapo nya ang mukha ng sariling mga kamay kasabay ng pagkalupaypay at mapaupo sa sahig ng hospital. Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman, all of the sudden, he feels like he is numb. Buong katawan nya ay wala ng maramdaman.

Bumalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata na kanina pa nya pinipigilang tumulo, wala syang ibang naririnig kundi ang sariling puso na malakas ang kabog, na hindi rin mapakali. Napahikbi sya habang nakapikit.

Habang si Jade ay pinipigilan ng mga kasama na pumasok sa nakasaradong pinto ng ER. Pilit itong pumapakawala sa pagkakahawak nila pero hindi nila hinahayaang maka-alis ito sa kanilang mga kamay.

Niyakap nya ang dalawang tuhod saka ibinuhos ang malakas na pag-iyak dahil sa nararamdaman. Hindi na nya kaya pa saka nya naramdaman ang sakit na unti-unting tumutusok sa kanyang puso at hindi umaalis ang sakit na mas piniling manatili doon.

Naramdaman nyang may umakbay sa kanya pero hindi na nya inalam kung sino iyon. Sabay silang napahagolgul sa mga nangyari, sa mga pinagdaanang sakit sa mga oras na iyon.

Naaalala pa nya ang mga huling sandali habang ibinabyahe nila ito papunta sa hospital. Pilit itong ngumingite sa kaniya kahit na alam nyang nahihirapan na ito. Hawak nya ito sa kanyang mga kamay habang pinipigilan ang pagdugo sa dibdib nito. Hawak naman nito ang kanyang kamay habang sinasabi na wag syang mag-alala.

"Ok lang ako." bulong nito sa kanya

"Oo, ok ka lang." pinipigilan nyang umiyak sa harap nito, pinipigilan nyang tumulo ang kanyang mga luha sa harap nito.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon