CHAPTER 27

71 27 5
                                    

HALOS hindi na sya makahinga kaya laking pasalamat nya ng sa wakas ay pagbuksan na ng mga ito ang kinalalagyan nilang dalawa ng kapatid. Para tuloy silang mga genie in the bottle na handang bigyan ng wish ang kung sino man ang nagpakawala sa kanila.

"Surprise...." aning mga nasa labas.

Napangite lang sya sa ginawa ng mga ito dahil hindi naman nya alam kung bakit ganoon ang naging set-up. Sabi kasi ng mga ito may gagawin lang daw sila. Pero ng makita nya kung sino ang nasa harap nila na niyakap ni Jade ay unti-unting nawala ang kanyang ngite.

"Kumusta?" anito na nagpatayo ng kanyang mga balahibo sa katawan. She really missed those voice na nagbibigay sa kanyang ng jolt sa tuwing naririnig nya.

"L-Li," banggit lang nya sa pangalan nito. "A-Ahm----"

Hindi pa sya tapos magsalita ay hinila na sya nito at niyakap ng mahigpit. Hindi na sya nag-atubili pa at niyakap na rin nya ito. Matagal na nya itong gustong yakapin dahil sobrang na-miss nya ito.

"So, guys. Tayo  na." ani Jade sa mga kasama na sumunod naman agad sa kaniya para iwan ang dalawa at ng makapag-usap ng hindi nadidisturbo.

Masagana namang dumaloy ang mga luha ni Ken sa balikat ni Li na bumabasa sa bahaging iyon.

"Ssshh." ani Li habang hinihimas ang likuran nya.

"Sorry, sorry, sorry." aniya sa kabila ng pag-iyak ng kumalas na silang dalawa sa pagkakayakap.

"No, ako dapat humingi ng tawad at hindi ikaw." pinapahid nya ang mga luha ng babae na bumabasa sa pisngi nito.

"Kasi, sana----"

"Oh, honey please, stop crying." amo nya rito

Itinigil naman nito ang pag-iyak hanggang sa pasinghot-singhot na lang ito. Hinawakan nya ang mukha nito ng kanyang dalawang kamay.

"I miss you so much." aniya

"Ako din, na-miss kita."

Iginiya nya ang babae sa may terrace ng bahay ni Raymond para lumanghap ng sariwang hangin na nagmumula sa labas. Kailangan nilang huminga.

"Ken," panimula nya habang hawak ang kamay ng babae.

Hinarap nya ito ng buong puso. Tumingin lang ang babae sa kanya.

"Gusto mo bang umalis tayo dito? Magpakalayo-layo?"

"What do you mean?" naguguluhang tanong ng babae, oo nga at tila nakuha naman nya ang gusto nitong sabihin pero malabo nga lang.

"Sumama ka sa akin sa Singapore. Lumayo tayo dito." aniya

"Tatakbuhan mo si Allysa? Paano yong anak mo? Yong kasal nyo?"

"Hindi ko naman anak yon eh, nagsisinungaling lang sya. Tsaka, ikaw naman ang importante sa akin eh, at hindi sya, hindi sila."

"Anong gagawin natin?"

"Matagal ko na tong pinag-iisipan, pwede naman tayong umalis at magsama eh. "

"Magtatanan tayo?"

Tumango sya ng alanganin. Kilala nya si Ken hindi naman ito ganoon ka-open minded pagdating sa bagay na ganoon pero susubukan nya.

"Paano yong pag-aaral ko? Yong pagdodoktor mo? Si Jade, anong sasabihin natin sa kanya?" sunod-sunod nitong tanong.

"Maiintindihan naman nya tayo eh."

Natahimik ang babae, nag-iisip. Kung hindi naman ito papayag ay nasa kaniya na ang desisyon. Alangan naman pilitin nya ito kung ayaw nito.

"Li," anito "Pag-isipan natin to ng mabuti, hindi naman tayo pwedeng umalis na lang basta-basta eh."

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon