CHAPTER 14

82 28 2
                                    

NAKASILIP na ang sikat ng araw mula sa bintanang salamin ng magising siya. Langhap niya ang simoy ng sariwang hangin na dumadampi sa kanyang pisngi.

Sinipat niya ang nasa paligid, nagising na pala ang iba, pati ang katabi nyang si Ken. Napangite siya ng maisip ang nangyari kaninang madaling araw.

"Magtatabi tayo?" tanong nito sa kanya.

"Maglagay na lang tayo ng mga unan sa gitna para hindi ka mailang." Suggestion naman niya.

Napatango lang ito saka sinimulan ng ayusin ang mga unan sa gitna.

Ng magising siya kaninang madaling araw nakayakap na siya rito at ganoon din ito sa kanya, sa madaling salita hindi umubra ang mga unan sa pagitan nilang dalawa.

Agad na siyang nag-ayos ng sarili at tuluyan ng lumabas ng kwartong inuukupa.

"Aakyatin na sana kita, buti naman at bumaba ka na." si Tita Coring iyon na nakasalubong niya sa hagdanan.

"Magandang umaga po, pasensya na po at medyo napasarap po ang tulog ko." Nahihiya siyang ngumite sa matanda.

"Hindi mo dapat ihingi ng pasensya iyon, mabuti nga at nakatulog ka ng maayos eh."

Ngumite na rin ang matanda sa kanya kaya ngumite na rin siya ng matamis rito. Nakakagaan ng pakiramdam ang presensya ng matanda.

"Kumusta po sila? Si Jade po?" agad ng nagtanong si Li tungkol sa mga kaibigan.

"Ang totoo niyan hindi ko pa sila nakikita ngayon." Aning matanda.

"Ah, ganoon po ba? Baka nasa labas na po ang mga iyon, eh, wala na rin kasi sila pag-gising ko." Napakamot siya sa batok.

"Ganoon pala. Hijo, maaari ba akong magtanong?"

"Sige po."

"Taga Maynila ba talaga kayo?"

"Ah, oo ako po, si Jade sa Makati tapos si Ken naman sa Diliman po yong boardinghouse niya."

"Ang nanay ba ni Jade ay si Evelyn Borromeo?"

Natulala si Li sa itinanong ng matanda. Paano nalaman ng matanda na iyon nga ang pangalan ng mama ng kaibigan? Manghuhula ba ito o ibang Evelyn Borromeo ang tinutukoy nito?

"Ah, oo po, Evelyn Borromeo nga po ang pangalan ng mama niya noong dalaga pa po. Bakit po?"

"Ang kanyang napangasawa ba ay si Joaquin Sta. Rosa?"

Bakit ang dami niyang alam? Ano ang kinalaman niya kay Jade? Makakabuti ba ito kay Jade o hindi? Kailangan niyang pag-isipan na ang isasagot sa muli nitong itatanong.

"Huwag kang mag-alala, wala naman akong intention na hindi maganda, gusto ko lang kumpirmahin ang mga hinala ko." Aning matanda ng tila mabasa nito ang iniisip niya.

"Hinala? Tungkol po saan?"

Tahimik lang ang matanda na naghihintay sa kanyang isasagot sa itinatanong nito.

Humugot siya ng buntong hininga bago sumagot ulit sa tinatanong nito. "Opo, siya nga po."

Natutop ng matanda ang bibig saka dahan-dahang humarap sa kanya na nanlaki ang mga mata.

"Sigurado ka ba?"

"O---opo."

Natahimik ito saglit, tila ba hindi ito makapaniwala sa mga nalaman tungkol sa mga magulang ng kaibigang kanilang pinag-uusapan.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon