CHAPTER 25

72 28 4
                                    

MATAPOS mag-usap dalawang partido ay napagpasyahang ipakasal silang dalawa sa lalong madaling panahon habang hindi pa nanganganak si Allysa. Kaya naman ay hindi pa lumipas ang dalawang linggo ay nagsisimula ng paghandaan ang lahat ng dapat ihanda para sa nalalapit na kasal.

"Dude," aning kausap sa kabilang linya ng nanahimik lang sya matapos damputin ang tawag nito.

"Y-yeah?"

"May problema?"

"A lot." aniya lang

 Alam na nito ang nangyari dahil usap-usapan ang kasal nilang dalawa ni Allysa sa social media at malamang sa malamang alam na rin iyon ni Ken at doon sya mas nahihirapan.  

"Nah, tutulungan kitang ipaliwanag kay Ken ang mga nangyari, you don't have to worry about it that much, you know?"

"I know, pero hindi ko lang maiwasang masaktan dahil nasasaktan sya at ako ang dahilan ng lahat."

"Yeah, I know, pero wala na tayong magagawa dyan. Andyan na yan. Panindigan mo na lang."

"Sorry." aniya.

Tahimik lang ang nasa kabilang linya. Makaraa'y nagsalita.

"Nandyan na yan, hindi na natin mababago yan." anito lang "Pero sorry, I can't be your bestman na tulad ng naipangako ko sayo."

"Ok lang, hindi rin naman to importante." aniya sa kaibigan.

"Naniniwala ako sayo Dude, at naniniwala din akong darating ang araw at paniniwalaan ka rin nina Tito Leo."

"Salamat dude."

"Sige dude, mauna na ako. May gagawin pa kami sa emergency room."

"Sige, ingat. Mauuna ka yata talagang maging doktor sa ating dalawa." bahagya syang tumawa.

"At syempre hindi ka naman papayag nun diba?"

Tumawa lang silang dalawa ni Jade.

"Ingat ka dyan."

"Ikaw din."

Yon lang ibinaba na nito ang telepono. Humugot sya ng malalim na buntong hininga. Pasalamat na lang sya at hanggang ngayon ay hindi pa nito tinatapos ang ugnayan nilang dalawa. Isumpa man nya ang mga araw mula ngayon ay at least may natitira pang maganda.

"Son, you okay?" ang daddy nya iyon ng abutan sya sa may terrace.

Hindi lang sya kumibo.  Mula noong araw na magdesisyon itong ipakasal sya kay Allysa ay hindi na nya ito kinikibo.

"Hindi mo ba sasabayan si Allysa para magpasukat? They're enjoying."

Hindi lang sya kumibo. Nagtitipa lang sya sa kanyang cellphone.

"Blaire, is there any problem?"

"Tinatanong nyo talaga ako nyan?" sarkastiko nyang balik tanong sa ama

"Yeah, ano ba ang problema? Sabihin mo? Dahil ba sa ikakasal ka na at hindi ka na binata, hindi mo na magagawa ang lahat ng dati'y ginagawa mo?"

"It's not the point. The fucking point is----------"

"Watch your mouth Blaire!"ito ang tawag ng daddy nya sa kanya, naiiba sa tawag ng iba sa kanya.

"Oh, you don't want to hear me trash talking to you? Then get lost, don't ever fucking talk to me again."

Tatalikod na sana sya ng pigilan sya ng ama.

"Son, I know you hate me."

"Buti naman alam nyo."

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon