CHAPTER 26

66 28 6
                                    

SINUBUKAN nya ulit na kausapin si Ken, pinuntahan nya ito sa bahay nila ni Jade pero wala na ito doon. Sabi ng mga kapitbahay ay may isang linggo na daw itong naibenta sa bagong nakatira doon. Hindi na sya nagtanong pa. Siguro nga ayaw na nga talaga sya nitong makausap at makita.

Dumeretso sya sa clinic ni Dr. Gladys Resureccion, yong kaibigan nyang OB-Gyne na nasa Pilipinas na pala at kalukuyang pinapatakbo ang sarili nitong clinic.

"Hey!" anito ng makita sya, nagbeso ito sa kanya. "So, where's your wife?" anito

"Papunta na yon pero hindi ko yon  asawa." correction nya

"Bride to be?" pang-aasar nito

Natahimik lang sya. Nagpatiuna sya sa sofa na kaharap ng table ng babae. Naupo sya doon at nagbabasa ng magazine.

"Ano na?" anito

"Papunta na yon." aniya

Bago sya pumunta doon ay tinawagan na nya ito. Kunwari daw ay mamimili sila ng mga damit ng bata kaya naman ay nakumbinsi nya itong magkita daw kunwari sa mall kung saan naroon din ang clinic ng OB-Gyne.

"Seriously? Nag-asawa ka na?" pangungulit parin nito.

"Guess?" panunukso din nya.

"OMG! I can't believe na maliban sa akin ay may gusto pang mapangasawa ka." napapalatak ito ng tawa.

"Bakit? Hindi ba ako ang husban material?" nakangite rin nyang sabi dito

"Oh-huh" sabi nito sabay nod.

"Really?" ngumite sya ng pilyo

"Kasi ikaw si Leewayne Blaire Lee Valderama na kilalang playboy, basagulero maliban pa sa basketball player ka na kilalang hindi matino pagdating sa babae." anitong nagbibilang pa sa kanyang mga daliri

Natawa sya ng malutong sa mga sinabi nito.

"Bakit? Totoo naman ah." nangingite rin itong sabi

"You know? Ikaw pa  lang ang nagsabi na hindi ako pang husband material."

"Oh hindi ba?"

"Kasi may isang  babae ngayon sa bahay ko at pinagsisisgawang ako ang nakabuntis sa kanya at pinipilit nyang pakasalan ko sya."

"Oh that's harsh."

"Yeah right, so will you help me point out kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi?"

"Oh, I love too pero sa isang kundisyon." pilya nitong sabi

"What?"

"Marry me." seryoso ang mukha nito

"Oh." para tuloy gusto nyang magsisi sa paglapit dito

"Joke lang noh. Ayaw ko pang mag-asawa." tumawa ito ng malutong. "A night with me will do." anito sabay kindat at saka tinalikuran na sya para magpunta sa may lavatory

Napangiwi sya sa sinabi nito.

"So, where is she?" untag nito

"Saglit lang." kinuha nya ang cellphone at tinawagan si Allysa.

Nagkibit balikat lang ang doctor.

"Where are you?" narinig nyang sabi ng binata sa kausap nito sa cellphone, lumabas ito kaya hindi na nya narinig pa ang pinag-uusapan nito at ng kausap.

"Masama ang pakiramdam ko. Hindi ako mkakapunta." ani Allysa

"Shit!" aniya lang saka binaba na ang cellphone.

Napabuntong-hininga sya sa nangyari. Ayaw talaga nitong mahuli sya kaya gumagawa sya ng paraan. Pero, mrunong din syang gumawa ng paraan kaya, hindi parin makakatakas ang babae sa kanyang gagawin.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon