CHAPTER 18

77 28 4
                                    

SA CAFETERIA sila naghintay ni Jade na tulad ng napag-usapan nila nina Ken. Naasiwa na sila sa mga babaeng nakatingin sa kanila at pinag-uusapan sila. Hindi naman sa pagmamayabang ay talaga namang nakakalula ang angking ka-gwapuhan ng dalawa kaya saan man sila magpunta ay di maiiwasang pagkaguluhan sila ng mga babae buti na nga lang at hindi naging artista ang dalawa.

"Kanina pa kayo?" si Jusaine at Mimi ang unang dumating sa cafeteria.

"Malamang. Bakit kasi ang tagal nyo?" ani Jade.

"Si  Ken?" si Li

"May klase pa sya hanggang 11:30 kaya maya-may pa ang labas noon." si Jusaine na ang sumagot.

"Uy, speaking of the devil." ani Mimi ng makitang papasok sa cafeteri sina Wenna ta Jonathan.

Lumingon ang tatlo sa may likuran kung saan naka-pwesto ang mga nakita kasama ang mga kaibigan ng mga ito.

"Si Wenna?" ani Jade

"Oo, ang ex-bestfriend ng sister mo na inahas ang boyfriend nya kaya ayon na-karma kaya nakalunok ng malaking bola at hindi natunaw sa tyan nya." palatak ni Jusaine.

"Kung ako hindi ako papatol sa ganyang babae, hindi naman maganda." ani Jade

Napapalatak ng tawa ang tatlong kasama sa mesa.

"Ayan na pala si Ken." pansin ni Mimi sa papalapit na si Ken.

"Sorry, may biglaang long quiz kasi kaya medyo nahuli ako." nag-biso sya sa lahat ng mga naroon.

"Ok lang. Tara na, gutom na ako eh." yaya agad ni Jade sa mga kasama.

Sa labas sila kakain lahat. Nanalo sa laro nila sina Jade at li kaya manlilibre daw ang nahuli na lagi naman nitong ginagawa kahit walang okasyon. Agad namang nagsitayuan ang lahat para maka-alis na.

"Ako na to." kinuha ni Li ang mga gamit ni Ken para dalhin.

"Eh, hati na lang tayo. Ang bibigat pa naman nyan." ani Ken

"Hindi ako na." kinuha ulit ni Li ang mga librong kinuha ni Ken.

Nag-agawan silang dalawa hanggang sa malaglag ang isang makapal na libro sa ulo ni Wenna. 

"Ano ba." itinulak ni Jonathan si Li ng makitang nasaktan si Wenna sa nangyari.

"Hindi naman sinasadya eh." ani Li.

"Sorry na." awat ni Ken sa tensyong namagitan sa dalawang nagkaka-initan ng mga binata.

"Pagsabihan mo yang boyfriend mo huh. Wag kamu syang tatanga-tanga." ani Jonathan na patukoy kay Li.

"Ang yabang mo ah." ani Li

"Gusto mo ng gulo?" tinapatan ni Jonathan ang angas ni Li

"Oo, bakit?" ani din ni Li

"Tama na nga yan. Jonathan tama na." pinaglayo ni Ken ang dalawang lalaki. "Hindi naman sinsadya yon eh. Sorry, kung nakasakit kami." dag-dag pa ni Ken.

"Sorry? It's not enough." ani rin ni Wenna.

"Ang OA mo naman, hindi naman talaga tumama sayo yong libro eh, kunwari ka lang." sabat na rin ni Mimi.

"Tama na." ani Ken.

Samantalang naglabas naman ng calling card si Li at inilapag iyon sa mesa nina Jonathan at Wenna.

"Sa labas tayo. Tawagan mo ako kung kailan at saan. Para mabawasan yang hangin mo sa katawan."

Yon lang at hinila na ni Li si Ken palabas ng cafeteria. Samantalang naiwan namang nagtatangis ang bagang si Jonathan sa sobrang galit sa binata. Tuloy gusto nyang tawagan ito agad ng makapagsukatan ng tapang dito.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon