CHAPTER 20

44 25 0
                                    

NAGISING sya dahil sa ingay ng paligid. Masakit ang kanyang ulo at ramdam nyang kumikirot na rin ang kanyang kamao. Huminga sya ng malalim saka tiningnan ang buong paligid. Tama, inupakan pala nya si Martinez kagabi at tumanggi syang tawagan ang mga magulang nya kaya andito sya ngayon sa kulungan.

"Hoy!"

Napalingon sya sa nagsasalita. Nagpalingon-lingon sya kung sino ang tinutukoy nito.

"Oo, ikaw. Gago. Lumapit ka dito." Anito

"May pangalan ako, kaya wag mo akong hino-hoy." Sarkastiko nyang sagot "Gago ka rin."

"Wala akong paki-alam sa pangalan mo, hindi ka naman presidente para alamin ko pangalan mo. Lapit dito." Anito din

"Ikaw ang may kailangan, ikaw ang lumapit." aniya

"Tarantado to." napamura ang pulis sa sinagot nya.

Nagtagis ang mga bagang nya sa sinabi nito. Tuloy gusto nyang sapakin ito, kung wala lang sya sa loob ay baka nga kanina pa na nya ito inupakan.

"Tawagan mo na mga magulang mo o kamag-anak mo para makalabas ka na dito." Anito lang saka binuksan ang kanyang selda.

"Ayaw ko nga diba?" aniya lang

"Ayaw mo talaga? Eh di mabulok ka dyan." Sagot din nito

Umalis na ito sa harap nya at nakahinga sya ng malalim ng makita itong palayo sa kanya. Agad nyang kinapa ang cellphone. Pero hindi nya alam kung sino ang tatawagan. Ayaw nyang tawagan ang tatay nya, alam nyang wala itong panahon para sa kanya. Kung si Allysa naman ang tatawagan nya, wag na lang, ayaw nyang makita ang pagmumukha nito. Si Kenchen naman, wala rin naman itong ganoong kalaking pera para pyensahan sya nito. Dumako ang tingin nya sa number ng kanyang step-mother. Hindi sila nito close pero sigurado syang mailalabas sya nito agad-agad.

Twelve years old sya ng muling mag-asawa ang kanyang tatay, limang taon matapos pumanaw ang kanyang ina pero hanggang ngayon ay hindi parin nya ito magawang kausapin man lang.

Humugot sya ng malalim na buntong hininga bago ito tinawagan.

"Li?" anitong nasa kabilang linya.

"Nasa Makati City Jail ako." Aniya lang

"What? Anong nangyari?"

"Mahabang kwento, ilabas mo ko dito." Aniya "Ngayon na."

Yon lang at pinatay na nya ang kanyang telepono. Ayaw na nyang pahabain pa ang usapan nilang dalawa. Hindi naman nya ito kaano-anu para makipag-usap pa sya ng matagal.

Maya-maya pa'y nasa harap na nya ito at pinipirmahan ang mga papeles nya para sa kanyang paglaya.

"Hindi ka ba nila sinaktan dito? We can sue them if they did." Anito habang nasa byahe sila pauwi.

Umiling lang sya. Wala talaga syang balak pakipag-usap dito ng matagal. Hindi nya ito magawang tanggapin sa buhay nya. Ayaw nyang palitan ang nanay nya kaya hangga't maari ay gusto nyang layuan ito.

PAGKATAPOS manggaling sa sementeryo ay dumeretso na sya sa pinag-usapang lugar ni Jonathan. Gusto daw nitong makipag-usap sa kanya. Sya din, gusto rin nyang makipag-usap dito para bigyan ng closure ang kung ano mang namagitan sa kanila nito noon. Gusto na nyang tuluyang makalaya sa hinanakit sa lalaki at kay Wenna.

"Kanina ka pa ba?" bungad nya rito.

"Hindi naman."

"Sorry medyo nahuli ako, ma-traffic kasi."

"Ayos lang. Kunti lang naman ang nauna ko sayo. Halos sabay lang tayong dumating." anito

Tumango lang sya sa sinabi nito.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon