CHAPTER 11

48 26 1
                                    

PAGKATAPOS ng klase ay agad na syang lumabas. Susunduin sya ni Li kaya ayaw nyang paghintayin ito, nakakahiya naman kung maghihintay pa ito eh hindi naman talaga sila magkaanu-ano.

"Nasaan ang sundo mo?" bungad ni Jonathan sa kanya sa may gate ng eskwelahan.

"Hindi pa dumarating." Aniya lang, wala syang balak kausapin ito ng matagal.

"Sabay ka na lang sa amin Best." Yaya ni Wenna na nasa loob ng sasakyan ng binata.

"No thanks, susunduin ako ni Li." Nakangite nyang sabi na may halong pagmamayabang.

"Baka hindi na iyon makapunta, mukhang emergency yong tumawag sa kanya kanina eh." Ani Wenna

"Tumawag na siya sa akin, papunta na siya rito. Don't worry." Ngumite siya rito na bagaman ay plastic ay hindi na iyon napansin ng kausap.

"Sana maging masaya ka sa kanya." Ani Jonathan

"Oo naman syempre, hindi lang naman sayo ako pwedeng maging masaya hindi ba? Ay wait, naging masaya nga ba ako sayo?" pauyam nyang sabi lang dito.

Hindi na kumibo ang binata at tuluyan ng umalis sa harap nya. Nagpaalam pa muna ang mga ito bago tuluyang umalis.

"Kanina ka pa ba?" bungad ni Li sa kanya.

"Ah, hindi naman. Kakalabas ko nga lang din eh."

"Sorry huh kung medyo na-late ako." Kinuha nya ang mga gamit ni Ken at ipinasok iyon sa kotse. "Tara."

Agad namang pumasok si Ken sa kotse. Tila may pinagdadaanan si Li na hindi nya mawari. Malungkot ang mga mata nito, malayo sa kanina. Hindi na lang muna nya ito papansinin, magku-kwento naman ito kung pwedeng pag-usapan ang problema nito.

Habang daan ay wala silang imikan. Pinagkakasya lang ni Ken ang sarili sa panonood sa mga dinaanan nila samantalang si Li ay naka-focus naman ang atensyon sa pagmamaneho.

"Okay lang ba kung dumaan muna tayo kina Jade?" basag nito sa katahimikan. "Namatayan kasi sila."

"Oo naman, okay lang. Sino pala namatay?" gulat syang napalingon sa binata.

"Yong mommy nya." Anito lang na hindi pa rin inaalis ang mata sa kalsada.

"Eh, kumusta naman si Jade?"

"Okay lang naman sya, nasaktan pero magiging okay din yon."

Muling natahimik ang paligid. Tila naman nakikisimpatya ang langit sa pinagdadaanan at nararamdaman ng taong pinag-uusapan nila, bumuhos ang malakas na ulan.

Nagpasya si Li na sa South na dumaan, mas mabilis kasing makakarating kina Jade kung doon daraan hindi alintana ang lakas ng ulan, saka lang nya napagtantong mali ang daang pinili ng marating nila ang lugar na iyon.

"Bakit?" ng biglang itigil nito ang sasakyan sa bahaging iyon.

"Hindi tayo makakadaan." Inginuso nito ang unahang bahagi ng sasakyan.

Natutop naman ni Ken ang bibig ng makita ang umaapaw na tubig sa daan, tantya nya ay nasa hita na kung susukatin ang tubig sa mababang parte ng daang iyon. Hindi rin sila pupwedeng lumiko sa parting iyon dahil bawal doon mag-U Turn, tila ba nasa dead end sila na wala ng maaaring puntahan.

"Ano gagawin natin?" may halong pag-aalala ang boses nya na binaling kay Li ang tingin.

Sandali syang nag-isip kung ano ang magandang gawin sa oras at pagkakataong iyon.

"May sakayan naman ng bus sa kabilang lane, baba na lang siguro tayo tapos mag-comute na lang tayo." Agad nitong desisyon.

Napatango na lang si Ken, sanay naman sya na maglakad ng ilang kilometro kaya ayos lang iyon sa kanya. Kinuha lang ni Li ang susi at ang cellphone nya saka sila lumabas at ng masiguro ng naka-lock ang kotse ay saka sila tuluyang lumayo.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon