CHAPTER 16

81 28 8
                                    

HAPON na ng magising siya. Hanggang sa mga oras na iyon sumasakit parin ang buo niyang katawan. Katatapos lang ng fourth game nila para sa inter- institute na paliga ng Administrator ng DLSU. Bukas nanaman ang laro nila laban sa Institute of Engineering kaya may panahon pa para makapagpahinga siya mula sa sunod-sunod na laro. Napabalikwas siya ng marinig ang doorbell.

"Yes?" ng makita niya kung sino ang nasa labas.

"Hi." Matamis itong nakangite sa kanya.

"Hi, tuloy ka." Iginiya niya ang bisita sa loob. "Paano mo pala nalaman na dito ako nakatira?"

"Pinagtanong ko." Anito habang papunta sila sa living room.

"Oh? Buti naman hindi nagsinungaling sayo ang mga pinagtanungan mo."

Napangite ang babae sa sinabi niyang iyon. Dumiretso siya sa kusina para ikuha ng maiinom ang babae.

"Pasensya na, yan lang ang laman ng ref ko." Naupo siya sa kaharap na sofa kung saan naupo ang babae.

"It's okay." Anito, "Maganda ang interior design ng bahay mo. Who designed this?" syempre alam niya iyon dahil kumukuha siya ng interior designing.

"Really? Thank you. Ex-girlfriend ko nag-design nito. Frustrated Interior designer kasi iyon." Napangite siya sa isiping iyon.

Naramdaman nyang hindi na masakit ang pagkakasabi niyang iyon, ang pagbanggit sa pangalan ng babae. He actually moved on.

"Talaga? Not bad for someone na hindi naman actually kumuha ng kurso sa interior designing."

"Yeah." Aniya na lang. "Anyway, what brings you here?"

"Ah right," may kinuha ito sa bag niya, "Here," ini-abot niya iyon kay Li na naghihintay lang, "It's an invitation para sa engagement party namin ni Jonathan. He wants you to be there since boyfriend ka naman ng best friend ko."

Napatango lang siya saka binasa ang invitation na nasa loob ng sobre. Pilit niyang iniisip kung ano ang plano ng babae at iniimbitahan siya nito.

"And nga pala, kinapos kasi kami sa invitation kaya isa lang ang invitation nyo ni Ken. Okay lang ba?"

"Huh? Ah, yeah it's okay."

"Salamat naman kung ganon." Ngumite si Wenna para ipakita sa binata na masaya siya, "Sige, di na ako magtatagal, yan lang talaga pinunta ko dito."

"Ah, ganoon ba, sige." Iginiya niya ito sa may pintuan. "Ingat and thank you for this." Itinaas pa niya ang sobre.

Kanina pa naka-alis ang babae sa kanyang pad pero nakatingin pa din siya sa pintong nilabasan nito.

"Ano kaya plano mo?" napakibit-balikat na lang siya, kung ano man ang pinaplano nito ay siguradong apektado si Ken at iyon ang kanyang hindi papayagang mangyari.


TULAD ng napag-usapan, sinundo niya si Ken sa boardinghouse nito at sabay silang pupunta sa party nina Wenna at Jonathan. Pahirapan bago niya napapayag ang babae sa gusto niya pero buti na nga lang at pumayag na rin ito.

Nag-aabang siya sa paglabas nito sa gilid ng kotseng gagamitin nila.

Bumukas ang pinto ng main door ng boardinghouse kaya napapitlag siya at mariing inabangan ang kung sino mang lalabas doon.

Natulala siya ng makitang si Ken ang lumabas doon. Sout nito ang isang damit na slaveless at maikli ang tabas na nagpapakita sa kaputian ng kanyang mga bente. Hapit ito sa katawan ng babae kaya kita ang kurba sa katawan nito. Para tuloy itong anghel na bumaba ng dahan-dahan sa harapan niya.

Perfect TWOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon