Kevin's POV
Ngayon nandito ako sa labas ng room nila Stella. Gusto ko kasi sya ihatid sa bahay nila e. Gusto ko din isurprise yung mama nya.
*Kriiiing.
Sa wakas nagbell na.
Nakita ko agad si Stella, kaya agad ko itong tinawag.
"Hoy! Babae! Baby Stella" nakakahiya mang tawagin ko sya ng ganyan. Feel na feel ko padin. Wala e. Mahal ko e.
Tumingin lang sya sakin.
Ayan na palapit na sya ng palapit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tsss. Nababading na ako.
Pero...
Wow huh? Nilagpasan lang ako. Ayos tong babaeng to ah?
Agad ko syang hinabol.
"Baby Stella! Pupunta tayo ngayon sa birthday ng mama mo diba?" sabi ko sabay harang sakanya.
"Wag ka nang pumunta!"- Stella.
"Ga-galit k--" sabi ko.
Tumigil sya bigla sa paglalakad kaya napahinto ako sa pagsasalita.
"Hindi ako galit. Wala akong nararamdaman."-Stella
Huh? Di ko sya maintindihan. Tsss! Anong problema nya. Ang hirap nyang suyuin ngayon.
"Huh? A-anong sinasabi mo?"
"O-obviously. Wala na akong feelings sayo. Magpakatotoo na tayo Kevin. Na-na na sa ating dalawa, ikaw lang ang nagmamahal. I'm sorry for the word. Pero, After we broke up last month. At nang magkabalikan tayo, pinilit kong mahalin ka. But, hindi na talaga e. Alam kong masakit para sayo. Pero, sorry talaga. Sor--"
"Tama na!!!!" napatigil sya kasi sumigaw na ako.
"Mahal na mahal kita Stella. Pero bakit ganun? Ansakit lang stella. Ansakit sakit." Tumulo na yung luha ko.
"Alam ko naman e. Di ko na--"-Stella
"Alam mo? Talaga ba huh? Kung alam mong mas masasaktan ako bakit pinilit mo pa yung sarili mo na mahalin ako." At ngayon, mas tumulo na yung luha ko.
Andaming tao. Nakita ng mga classmates namin ni Stella. Pero, wala akong pake. Kasi masakit e.
Hinawakan ko yung kamay nya.
"Stella. Alam mo naman kung gano ako kagago diba?"
Tumango lang sya at yumuko.
"Oo. Gago ako! *sniff* Pero, alam mo yun? Sayo pa ako nagpakaseryoso. Antanga ko lang. *sniff* Alam mo naman kung gaano ako kapilyo. Pero never kong ginawa sayo yun. Kasi nga mahal kita Stella. *sniff* Mahal kitang babae ka!"
binitawan ko sya.
"Im gonna win you back. Hanggang di mo napapatunayan sakin na hindi joke to!" sabi ko.
"Hindi na talaga maibabalik yung dating tayo. Im sorry!" sabi nya.
"Heh! Manahimik ka. Tandaan mo ako si Kevin kaya akin ka." Sabi ko, sabay alis na.
Ewan ko. Di ko sure kung talagang kukunin ko sya uli. Pero, isa lang ang nasusure ko ngayon. Mahal ko padin sya. Mahal ko padin ang babaeng di na pala ako mahal.
*Sniff* *Sniff*
*Boooogsh
Ansakit. Lintek. Sinuntok ko lang naman yung pader. Pero, mas masakit padin ang puso ko.
"Mahal na mahal kita Rey! *sniff*" biglang may nagsalita nyan.
Takte naman oh? Panira masyado ng eksena.
BINABASA MO ANG
2 crazy idiots <3
Teen FictionMahirap mapaglaruan ng Tadhana. Alam natin yan. Yung tipong nasaktan ka na uulit ka padin. Mahal mo e. Pero, di din natin alam minsan na may taong mas right at better pa pala. Bakit natin inaaksaya ang oras natin sa mga taong nananakit satin. Kung m...