Chapter 9-Its the daylight <3

13 0 0
                                        

Chloe's POV

Kawawa naman si Chichay. Di ko na maintindihan kung anong tumatakbo sa isip nya. Di na din sya gaanong nasama sakin. Palaging si Kevin na lang. Nagtatampo na ako at nagseselos kay Kevin. Hayyyy! Ako dapat yung nagpapasaya kay Bestie. Ako yung dapat na nasa tabi ni Chichay. Hayyy.

Nakita ko sila Kevin at Chichay ngayon magkasamang papasok.

Lumapit naman ako.

"Bhestie!" sigaw ko.

Tumingin naman sya. At tila pinaalis na nya si Kevin.

Bigla nya akong niyakap. Oh~ shit! Kanina lang gusto ko syang sigaw sigawan na hoy walangya ka iniwan mo na lang ako basta pero ngayong niyakap nya ako, wala na ok na. Bestfriend ko to e.

Binatukan ko sya.

"Ano nang nangyare sayong babae ka? Kayo na ba talaga ni Kevin?" tanong ko.

"Ganto kasi yun." at nagsimula na syang magkwento.

Nalaman ko na di pala totoong sila ni kevin. Ginagawa lang pala nila yun for a purpose.

"Bat mo naman ginawa yun?" tanong ko.

"Kailangan e. Pero bhestie. Di ko alam. Pag kasama ko sya nakakalimutan ko si Rey. Dahil sakanya sumasaya ako. Ewan ko ba? Ano na ba to? Pano ko ba malalaman tong nararamdaman ko?"-Chichay.

"Naku bhestie. Malalaman mo yan pag nalungkot ka pag nawala sya. Yung tipong nasasaktan ka pag nasasaktan sya. Yung tipong nasasaktan at nalulungkot ka pag wala sya." sabi ko.

"Salamat bhestie ah?"-Chichay.

Oh~ Kitams. Nagawa ko pa syang payuhan. Hayyy! Iba na talaga pag bestfriends.

"Akyat na tayo Bff."-Chichay

"Nakita mo ba si Louie?" tanong ko.

"Hindi e."-Chichay.

Nasan na kaya yung Bf ko. Tsss. Siraulong yun ah? Di pa nagtetext. Ang hirap talaga pag nasa ibang section yung mahal mo.

"Nagaway nanaman ba kayo?"-Chichay.

"Ha? Hindi ah."

"Alam mo. Kilala na kita Bff. Pag may problema ka. Alam na alam ko. Spook mo na yan girl."

"Eh di kasi sya nagtetext."

"Look ayoko namang ihalintulad yung sainyo ni Louie samin ni Rey. Pero, ingatan mo yang boyfriend naku madami pa namang bitch sa mundo."-Chichay.

Mayamaya nakita ko si Louie kasama yung kaklase nyang girl. Naginit agad yung ulo ko.

Nagtama yung mata namin ni Louie at nagstop kami ni Chichay at tinitigan lang sila. Inirapan ko agad si Louie at umakayat na kami tapos bigla nyang hinila yung kamay ko.

"Chloe." sabi nya.

"Bitawan mo ko may klase pa kami. Magsaya na lang kayo dyan Ge." sabi ko.

At umakyat na. Di ko na nga sya matiis e. Gusto ko na syang yakapin kasi miss ko na sya.

Pumasok na kami sa room. Sakto lang naman kami.

Ayun naglecture na si mam. Pero, di ako nakikinig. Pshhh. Iniisip ko kasi si Louie e. Mahal nya pa kaya ako.

Mayamaya.

*Snap*

"Huy! Bhestie bell na. Vacant na natin."-Chichay

Magkakatabi kasi kami nila Kevin sa pinakalikod e. Kaya di kami pansin.

"Tara na. Lunch na tayo!"-Kevin.

2 crazy idiots &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon