Chapter 11-Inlove with this

14 0 0
                                    

Chichay's POV

-.O 

O.- 

O.O

Pagmulat ko nakita ko agad sa bedside table ko yung picture ng buong pamilya namin. Naisip ko agad na puntahan si Papa. Baka sakaling panaginip lang ang lahat.

Nagtatakbo ako sa kwarto ni Mama at Papa. 

Pagpasok ko sa loob ng kwarto. 

Nakita ko si Mama na tulog pa habang yakap yakap yung picture ni Papa. Wala si Papa. So ibig sabihin di nga panaginip ang lahat. Di ko na mapigilang umiyak lalo na nung makita kong may luhang pumatak sa mga pikit na mata ni Mama.

*sniff*

Tumalikod na ako nang biglang magsalita si Mama.

"Maganda nga yang gawa mo para kay Chichay. Magugustuhan nya yan. Malaki na ang anak natin. Hayy."

Paglingon ko tulog padin si Mama. 

Pagbaba ko si Ate Rain nakapangalis.

"A--ate. San ka pupunta?"

Akala ko ay susungitan nya ako nang biglang lumapit sya sakin at niyakap ako.

"*sniff* Sa Chapel dito sa village natin. Ma--mimiss ko si Papa. So--sorry chichay. Sorry for *sniff* everything."-Ate Rain

"A--ate! *sobs*"

Wala na akong nasabi kundi ang umiyak. Mayamaya..

"Mga anak"-Mama.

Lumapit sya samin at niyakap kami ni Ate. Umiyak na lang kami ng umiyak.

Mayamaya.

"Ma. Magbibihis lang po ako. Kailangan ko padin po kasing pumasok e. May unit test pa kami sa Math e. Pero, dadaan naman po muna ako sa burol ni Papa."

Nagnod na lang si Mama at umakyat na ako, naligo at nagbihis. 

Eto na sana ang pinakamasayang birthday kaso nabaliktad e. Worst birthday ko na tuloy to.

Sumakay na ako sa kotse. Nakashades si Manong. Tapos tila naiyak sya at bigla syang nagsalita.

"Chi--chichay. Napakabait ng Papa mong iyon. Alam mo ba, ang sabi sakin ng Papa mo na aayusin ko daw ang pagmamaneho para sayo. *sniff*"- Manong Isko.

"*sobs*" umiyak na lang ako.

Puro kalungkutan na lang ang nangyayare sa buhay ko. Mahanap ko pa kaya ang sayang hinahanap ko.

Bumaba na ako sa Chapel na sinabi ni Ate.

Pagdiretso ko sa kabaong ni Papa. 

Tila nakangita sya at maaliwalas ang mukha nya.

"Andaya mo naman Papa! Diba dapat magcecelebrate tayo ng birthday ko ngayon. Buo tayo dapat. Iniwan mo naman kami agad Pa e. Antayin mo ko sa heaven ah *sniff* Wag kang magalala di ko iwawala yung kwintas na binigay mo. *sniff* Papasok na po ako s--sa school Pa ah? May exam ako sa math e. Gabayan mo ko ah? Turo mo sakin yung sagot ah? Hahaha. *sniff* *sobs*" halos magbreak down na yung boses ko.

Umalis na ako kasi parang di ko na kakayanin ang makita sila Mama dun. :|

Pagpasok ko sa school nanlulumo ako ng sobra. Wala akong pinapansin. Andami nang bumati sakin pero di ko padin pinapansin. Triple kasi yung sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa sa panloloko sakin ni Rey e.

Pumasok ako sa room at nagsimula na kaming magexam. 

Mayamaya may nagbato sakin ng crumpled paper. At ang nakalagay ay; DI KA CUTE PAG DI KA NATAWA. :)

2 crazy idiots <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon