bChapter 2-The Start of Revenge.

19 0 0
                                    

Chichay's POV

Masakit palang ma-TIMER.

Dati daling dali ako isolve yung problema ng besfriend ko pag lovelife na nya yung pinaguusapan. Pero ngayon, nagagalit ako sa tadhana. Kasi sh*t lang. Sineryoso ko si Rey.

"Mahal kita Rey" nasabi ko na lang yan habang tinitignan yung picture namin ni Rey sa cellphone ko at inaalala ang mga masasayang memories namin.

Antanga ko! At patuloy pading nagpapakatanga. Mahal ko talaga sya. Ewan. Anlakas ng tama ko sakanya.

Naniniwala na tuloy ako na Lahat ng sobra, bawal.

Humiga na lang ako.

Umilaw yung cellphone ko. Chineck ko agad kasi umaasa padin akong si Rey yung magtetext.

Wow si Rey nga! Pero nagsisi ako. Sana di ko nalang binasa.

GM nya lang pala. At ito pa ang nakalagay sa GM nya.

~Sabi nga nila pag mahal mo yung tao ipaglalaban mo. <3

-

GoodEvening. Ingat kayo lalo na kay Stella ko. Girlfriend ko yan. Text nyo ko.

GM|Stella :*~

Humagulgol nalang ako. Biglang may kumatok.

Nagpahid ako ng luha. Tapos binuksan ko na yung pinto.

Si Mama lang pala.

"Bakit po Ma?" tanong ko.

"Si Rey nasa baba."-Mama.

Tama ba yung narinig ko? Si Rey daw. Pakirewind nga. Halos tumigil na mundo ko nung marinig ko yun. Hanggang sa..

"Hoy! Inaantay ka nung tao. Baka gusto mong babain. Dinidesyerto na yung Boyfriend mo kakaintay sayo."-Mama.

Natawa naman ako sa Dinidisyerto. Haha. Lupet talaga ni Mama.

"Mama. Ex na po." sabi ko tas yuko.

"Ayusin nyo yan. Kaya bumaba ka.na. Alam kong mahal mo pa si Rey."-Mama.

Tama ka Mama. I wanna win him back too. Tsss.

Bumaba na ako.

Tumingin sya sakin. Tapos lumakad lang ako palabas ng pinto papuntang garden. Agad nya naman akong sinundan.

Umupo ako sa bench. Tumabi naman sya sakin pero lumayo ako.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Una, I wanna say I'm sorry. Inaamin ko na ni-TIMER kita. Pangalawa, Salamat. Dahil sayo natutunan ko na di pala lahat ng gusto mo makukuha mo. Pangatlo, Sana maging magkaibigan padin tayo pagkatapos nito."-Rey.

P@ta. Tanga nya ba? After all of these. -.- Shit. Tumulo na yung luha ko sa kanang mata.

"Talaga? Ganda naman ng rason mo. Haha. Sa ganda ng rason mo parang gusto ko makapatay ng sampung tao ngayon na." sigaw ko.

Umiyak na ako ng umiyak.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong nya.

Tumango lang ako. Ayoko aminin pero, malay mo dahil dito magkabalikan uli kami. Pero hindi e. Hindi padin.

"Minahal mo ba ako?" Ako naman ang bumanat na nagpatahimik sakanya.

Di sya sumagot sa halip ay ibinigay nya sakin ang isang box at umalis na sya. Nakaramadam ako ng sobrang lungkot. Kasi kaninang nasa tabi ko na sya. Gusto ko syang yakapin at sabihing "Ako na lang. Ako na lang uli ang mahalin mo. Please?". Feeling ko mawala lang sya sa tabi ko di na ako kumpleto. Mas lalo na ngayong wala na kami.

2 crazy idiots &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon