Chapter 31- Confused.

4 0 0
                                        

Chichay's POV

Kamusta naman ang mata ko. Kanina pa ako naiyak. -____-

Antagal pa ni Gio bumili ng tissue. Paano? Sandamakmak na luha at sipon ang inilabas ko.

Why is it always ending up like this? Bakit ba lagi na lang akong nasasaktan. Ano bang nagawa ko?

Nawala ako sa sarili nang may marinig akong kaluskos.

"Sino yan?" sigaw ko.

"Psssst."

Pucha. Sino ba yun!?

"Sino nga yan!!" sigaw ko

"Pstttt."

Tapos may nagbato sakin ng bato.

Sinilip ko yung mga halaman pero walang tao dun. Sinilip ko na rin ang puno.

Sa takot ko, umiyak na lalo ako.

"Kevin. Kevin. *sobs you promised me everything. You promised that you will not leave me. *sniff"

Lumuhod na lang ako kasi wala na sigurong pag-asa. Shet. Andali ko namang sumuko. Well, di multo ang dinadramahan ko ngayon. Si Kevin padin. As usual.

"Hey stop it." tapos inakay ako ni Gio patayo.

"I-ikaw ba yung nananakot?" sabi ko

"Uy hindi ah! Assuming ka nanaman."-Gio

"Na-natatakot ako sa multo Gio. *sobs"

Liar.

Takot akong mawala si Kevin. Tss. Whatever. Oo na. Wala na sya. Yun na yun.

Alam ko namang mahal pa ako ni Kevin. Naniniwala pa ako dun. May part sa puso ko na gusto pang kumapit. Alam nyo yun?

"Shhhh" tapos niyakap nya ako.

Napahagulgol na lang ako sa dibdib ni Gio.

Gantong ganto yun. Gantong ganto, kung pano ako umiyak kay Kevin dahil kay Rey. Di ko alam na sasaktan din pala ako ni Kevin. Kung alam ko lang sana binigyan ko na lang ng chance si Rey.

Pero hindi e. Iba yung tama ko kay Kevin. Siya padin sinisigaw ng puso ko. (medyo corny) Alam nyo yun? Kumilos lang ako ng konti sya agad naiisip ko. Pumikit lang ako, mukha nya yung maiimagine ko kahit di ko iniimagine.

"Wag ka nang umiyak please?"-Gio

*sobs *sobs *sobs

"Ayaw mong tumigil ah?"

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at naglakad.

"S-sige magsama sama kayo!!" sigaw ko habang pinagmamasdan sya palayo.

*sobs *sobs

Nagulat ako nang makaramdam ako ng mga damo sa ulo ko.

"Arghhh" sabi ko sabay tingala.

Lintek na Gio to. ._______.

"Ayaw mong tumayo ah! Come on, come here. Gantihan mo ko. Bleehhh"-Gio

"Damn you!" tapos kumaripas na ako ng takbo at nagsimula ng bumunot ng mga damo at pinagbababato sya.

Shit tong lalaking to. Di man lang matamaan. Hanggang sa napagod na ako.

"Hahahaa. Hinihingal na ako. K-kevi--Gio pala."

Shit. Bat ko nasabi yun? Damn it.

"Tara na nga!"-Gio na biglang naging simangot ang ngiti.

"O-osige." shit. bakit ba pinipilit nya padin sarili nya sakin. -___-

Kung natuturuan lang talaga ang puso e.

.

.

.

.

.

Nandito kami sa Canteen.

Magkausap si Kevin at Eula.

Shet. Nananadya ang tadhana.

Niyaya ko si Gio na tumabi sakanila. Wala lang. Gusto ko lang itry kung kaya ko na syang harapin kasama si Eula.

"Oh? Anong ginagawa nyo dito?!" galit na sabi ni Eula nang makarating kami sa pwesto nila na may kalmot sa gilid ng mata.

Dahil ata sakin yun. Pakyu! Bagay lang yan sayo. Malandi ka kasi! Kulang pa nga e. Kung di ako pinigilan, iuuntog ko na yung ulo sa pader e. Patay na sana yan.

"Don't worry. Princesses' won't bite. But mermaids will. Look at you!" sabi ko

Tapos tumayo na kami pero iniwanan ko pa sya nang pambara.

"Before I forgot. Don't assume na yung mermaid na tinutukoy ko eh, yung kasing ganda ni Ariel sa disney. Because your the ugly one. Hahahahaha"

"Damn you!!! Kevin. Paalisin mo nga to"-Eula

"U-umalis na nga kayo! Ano pa bang kailangan mo ha?" sigaw ni Kevin.

Wala akong makitang emosyon sa mga mata nya. Cold lang sya.

Nung sya na yung nagsalita. Parang meron sa puso kong tumutusok na tinik.

Kaya nagwalk out na ako hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Ikaw Gio. Sabihin mo! Kailan mo ko balak saktan? Kailan mo ko balak paasahin? Kailan mo ko balak gaguhin." sigaw ko.

"H-hinding hindi ko gagawin yun."-Gio

"Umalis ka na!! Please lang wag mo kong kausapin!! Mas gusto ko pang mag-isa kaysa lokohin nyong lahat!!"-ako

"Wag mong lahatin Chichay!! Di ko na kasalanan kung mali kang nang pinili ng lalaking kinabaliwan!! Bakit ako ba? Sinisi ko ba ang ibang tao sa pagpapakatanga ko sayo huh?!?! Isipin mo nga Chichay!! Isipin mo, kung bakit hanggang ngayon kahit na alam kong si Kevin ang nasa isip at puso mo. Ginagawa ko nang tanga ang sarili ko, pero umaasa parin ako!!! Yun ba ha Chichay! Yun ba ang dapat isama at icompare sa mga tulad ni Kevin ha!!" sigaw nya

Shet. Sinigawan nya ako. o____o Natameme nanaman ako sa sinabi ni Gio. Minsan lang kasi sya magalit at sumigaw. Seryoso ba talaga sya.

"S-sorry. S-sinigawan nanaman kita. Sorry Chichay. Sorry" sabi nya sabay yakap sakin.

Di ko alam pero nagkukusa yung mga kamay ko na yakapin din sya.

"A-ayos lang. T-tama ka. A-ang tanga ko. *sniff"

Humagulgol nanaman ako.

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Susugal ba ako? Sasaktan ko nanaman ba sarili ko?

--

(A/N: Landi Chichay. Haha djk.)

2 crazy idiots <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon