Chapter 3-A broken hearted me.

15 0 0
                                    

Chichay's POV

Takbo kami ng takbo pero di ko na alam kung san kami pupunta.

Obvious ba Chichay? Syempre nasaktan si Kevin. Tss. Ikaw nga dyan todo iyak pa e.

Nakarating kami sa Field. Walang tao miski isa. Umupo sya sa may damuhan malapit sa oval. Nakatayo lang ako sa likod nya.

"Arghhhh" sumigaw sya nyan sabay bato nung bola ng football sa tabi nya.

"Suko na ako p@ta. Hoy! Tadhana bakit ang daya mo. Ako lang ang pwede maging pilyo ako lang ang pwede mantrip. Bakit ba nakikisali ka." sigaw nya habang nakatingin sa langit.

Makulimlim na. Tumabi ako sakanya.

"Suko ka na ba?" tanong ko.

Hindi pa sya pwedeng sumuko. Pag sumuko sya pano na ako? Di pa kasi ako nasuko e. Natatakot lang ako kasi baki di nya ako tulungan.

"*sniff* Oo." sabi nya.

Napaluha na lang ako kasi nga wala na akong makakatulong.

"Ba-bakit? Pano na ako? *sniff* Pano-- A-- aw--" natigilan ako kasi pineltokan nya ako.

"Aray! masakit ah." sabi ko kasi binatukan nya ako.

"Lintek ka kasi panira ka talaga ng moment e. Pwede ba kahit minsan ako lang muna ang mag emote." sabi nya.

"O-ok. Sorry ha? Sarap mo isumpa e. So suko ka na? Pano na yan? Pano ako. Wala na akong partner in crime" sabi ko.

"Oo e. Kawawa ka tuloy. Atleast ako pwede ako magmove on. Eh ikaw?" sabi nya.

Umiyak na ako ng umiyak. Lintek, simula nagbreak kami ni Rey naging iyakin na ako. Di na din ako gaanong nalaban.

Kevin's POV

Haha. Nawawala yung sakit ng puso ko at badtrip ko dahil sa babaeng to.

"*sniff* pasensya na. At dahil talo ako. Di na kita matutulungan. Kasi diba ang usapan magtutulungan tayo." sabi ko.

Wahaha! Maigi na lang umiyak ako kanina. Atleast mukang makatotohanan.

"Si-sige. *sniff*" sabi nya.

Di na ako naaawa sakanya. Haha. Ibig sabihin medyo ok na ako.

Tumayo sya.

"Sa-salamat na-nalang. *sniff* A-ako na lang ang gagawa ng paraan. Kalimutan mo na ang lahat. Wa-wag ka na din lalapit sa *sniff* akin kahit kailan" sabi nya tapos galit yung tono nya.

Lintek. Nasobrahan ata ako sa trip ah? Tumakbo na sya palayo. Bakit ganto? Pag kasama ko sya. Gustong gusto ko syang pagtripan. Pero, bat nung nawala sya. Naramdaman ko uli yung sakit sa ginawa ni Stella.

*Kriiiiiing.

Bell na. Nagtatakbo na ako sa room. Pagpasok ko si Chichay agad ang nakita ko.

Pagkita ng mata namin sa isa't isa, inirapan nya ako. Hay nako! Antaray. Galit nga talaga sya sakin. Tutulungan ko naman talaga sya e. Gusto ko lang sya pagtripan.

Lecture lecture.

Sumulat ako sa papel ng SORRY SUNGET :). niCrumple ko yung papel tapos binato ko yun sakanya.

Binasa nya yun at sumulat na.

At ang nakalagay ay; LINTEK! TIGILAN MO KO DI KITA KILALA.

Wahaha! Mas masarap sya pagtripan kapag nalaban sya kaysa naiyak sya. Hahaha.

Nagsulat na ako sa papel ng; NEED SOME HELP RIGHT?

Binato ko uli sakanya yun. Tinitigan nya lang yung papel for a couple of minutes. Nagsulat na sya. Sa wakas!

2 crazy idiots <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon