Kevin's POV
Di pa natatapos ang gabi ng Acquiantance ball.
Nandito padin kami ni Chichay sa damuhan. Natulog na kasi kami e. Nauna akong magising. Buti na lang.
Habang tinititigan ko si Chichay, di ko maiwasang mapangiti. Wahaha! Para akong tanga.
Mayamaya dumilat sya na nasa hita ko na kanina ako yung nasa hits nya. Naitulak ko na lang sya kasi kinabahan ako baka nakita nya ako na ngumingiti.
"Ano ba?" sabi nya.
"Ambigat mo kasi e. Sarap ng tulog mo sa hita ko e nuh?" sabi ko.
"Nauna ka pong natulog sakin"
"Lul! Nauna ka. Umayos ka nga ng upo nakikita na yang cyclings mo e."sabi ko.
"Pake ko? Edi wag mong tingnan."-Chichay.
Tumingin na lang ako sa langit. At ngumiti.
"Bading! Pfffffft! Wahahaha. Bading e. Pangitingiti."-Chichay.
Kung alam nya lang na sya yung dahilan kung bakit ako ngumingiti kasi napanaginipan ko nanaman sya at ang sabi nya pa "Sana tayo nalang"
Tumingin din sya sa langit.
"Heart oh!" sigaw nya.
Pagtingin ko sa langit, oo nga. May nakaform na heart sa stars.
"Oo nga nuh?" sabi ko.
"Elibs."-Chichay
"Sus! Kaya nga ako ngumiti kanina e." sabi ko
"Weh? Pero sabi mo oo nga nuh? palusot ka pa dyan e." sabi nya.
Tumahimik na lang ako. Basag nanaman ako sakanya. Well, alamnathisss.
"Ghost hunting tayo!" sabi nya
"O--oba" sabi ko.
Takot kasi ako sa multo e. Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ng taong to.
Hinawakan nya yung pisngi ko kaya nanlaki yung mata ko.
"Natatakot ka ba?" tapos tinabig ko yung kamay nya.
"Sus! Multo lang e." sabi ko.
"Talaga lang ha?" sabi nya at di ko namalayang natakbo na pala kami.
"Hoy! Dahan dahan lang ah? Pag ikaw natapilok nanaman di na kita bubuhatin!" lintek kasi tong isang to e. Di na nadala.
Naghanap na sya ng multo.
Napagod sya kaya pumasok kami sa isang room sa 2nd floor. Magkatabi kami.
"Di mo ba naramdaman yun?" tanong ko.
"A--alin?"-Chichay na namumutla na. Kitang kita ko sakanya na natatakot na sya.
"Ayun oh? Ayun! Di mo naramdaman?" sabi ko sabay yakap sakanya.
"A--lin s--sabi e?" sigaw nya.
"Di mo ba nararamdaman yung nararamdaman ko sayo?" sabi ko sabay turo sa dibdib ko.
"Pffffft"-Chichay
Napapoker face na lang ako.
"Tsss. Corny mo! Hahaha. Laughtrip ka."-Chichay
"Weh? Pero kanina takot ka na e. Kala ko ba matapang ka? Ikaw pa tong nagaya sakin na magghost hunting tapos ikaw pa tong natatakot ngayon." sabi ko.
"Tsss. Hindi sabi e."-Chichay
"Halikan kita dyan e." sabi ko.
"Manyak!" sigaw nya.
"Lul! Di ka na gaganda!" sabi ko
BINABASA MO ANG
2 crazy idiots <3
Genç KurguMahirap mapaglaruan ng Tadhana. Alam natin yan. Yung tipong nasaktan ka na uulit ka padin. Mahal mo e. Pero, di din natin alam minsan na may taong mas right at better pa pala. Bakit natin inaaksaya ang oras natin sa mga taong nananakit satin. Kung m...