pChapter 5- Because I missed you so much

12 0 0
                                    

Rey's POV

Ansakit.

Ansakit sakit.

"Arghhhh~" sigaw ko tapos lumagok ako ng alak.

Hindi ako ganto dati. -.- Tsss.

Di ako nainom pero nagagawa kong maglasing. Mahal ko pa si Chichay. Ang sakit lang kasi kaylangan ko syang ilet go para sa pamilya ko.

Naiiyak na lang ako habang iniimagine si papa kasi kritikal yung lagay nya. Pano na lang kung di ko tinanggap yung offer ni Stella. Pano na yung mga kapatid ko kung di ako tutulong.

Wala na si Chichay.

Inubos ko na yung alak na iniinom ko at umuwi na sa mansion namin.

"Hon? San ka galing. Ughhh-- You do smell bad. Uminom ka ba?" sabi ni mommy.

"Konti lang my. Pampatanggal lang ng stress." sabi ko

"I know. Mahal mo pa si Charina *sniff* Nagawa din naman ako ng paraan para maayos ang lahat nak e. Pero ginigipit talaga tayo ng mga Dimaano anak e. They're so powerful."-Mommy.

"Its ok my *sniff* Siguro its about time para magpaka kuya at magpakatatay ako sa pa--pamilya natin *sniff* since critical si daddy." sabi ko.

Oo. My dad was on a critical condition. He was about to be asassinated but gladly a man came by at yung lalaking yun ang namatay pero, nabaril padin si dad sa may dibdib.

"Si--sige my. *Sniff* Akyat na po ako." sabi ko sabay halik kay mommy.

Umakyat na ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko.. Picture agad namin sa bedside table ko ang nakita ko.

Lintek! Lalo akong umiyak.

Mayamaya. Pumunta ako sa cabinet ko. Pagbukas ko, bumagsak yung isang box. Binuksan ko yung box. At pinagsisisihan kong binuksan ko pa yun. Dahil ito ang lubos na nagpabuhos pa ng luha ko.

Laman ng box na to ang lahat ng alaala namin.

Kinuha ko yung teddy bear na binili namin. Actually couple teddy bear to. Yung isa binigay ko kay Charina.

"*sniff* Hoy! Little Rey. Dyan ka lang muna ha? Wag kang bibitaw. Narinig mo naman mommy mo diba? Nagawa sya ng paraan. Saglit lang to promise! Mahal ka pa ni Little *sniff* Chichay. Wag kang magalala. *sniff* Win her back pag ok na ang lahat." sabi ko sa teddy bear ko.

Binitawan ko na yun. Tapos, yung picture namin na nakawacky face yung kinuha ko.

"*sniff* Haha. *sniff*" napaiyak tawa na lang ako.

Pano kasi eto yung nawala si Chichay sa Mall. First time nyang mapuntahan yun e. Hahaha.

Sunod kong kinuha yung singsing na binili namin sa palengke. Natawa pa nga ako nun kasi nga mayaman kami, tapos nagulat ako sya pa ang nagyaya. Akala ko pa naman maarte sya.

Huli kong kinuha ay ang pinaka nakapagpadurog ng puso ko.

Keychain kasi yun na pagpinindot mo magpeplay yung boses ni Chichay. At ang sinasabi nya.

"Hoy! Tukmol! Iloveyouuuu. Ingat ka lagi. Iloveyouuuu! Mwah. Mwah."

Umiyak na lang ako ng umiyak. Tsss. Bat ko pa kasi to binuksan e. Binalik ko na yung box dun sa cabinet. Actually di ko naman talaga tinatago yun. Kasi ginagamit ko yung mga yun.

"Hayyyy! *sniff* kung pwede lang sana Charina Sandoval. *sniff* Sana one day pag bumalik ako sayo tanggapin mo pa ako. Sana wag kang magsawa. *sniff* Mahal na mahal kita." nasabi ko na lang.

2 crazy idiots <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon