Chapter 28- Stolen Kisses.

5 0 0
                                    

Chichay's POV

Bakit ba ganun yung babaeng yun? Tch.

Nakadapa ako ngayon sa kama ko nang biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Sino yan?"

"Anak. Buksan mo to. *hik*"

Binuksan ko naman agad yung pinto.

"Ma-Mama. Bakit ka lasing?"

Ano ba tong Mama ko. Ngayon lang tong natutong maglasing. Dahil na din siguro sa pagkamatay ni Papa. I hope na nakokonsensya na ngayon ang pumatay kay Daddy.

"Anak. Di ako lashing ha? Talo nanaman ako sa Casino. Bullsh*t"

"Mama. Magpahinga na kayo." sabi ko habang inaakay sya sa kama ko.

Habang nakahiga sya, nakatayo lang ako at nakapamewang. Naaawa ako kay Mama.

Humiga na lang ako sa tabi ni Mama.

"*sniff* Mama. Magpakatatag ka please? *sniff*"

"*sniff* Malapit na kami magkita ng papa mo" bulong nya

"Shhh. Ma. Wag ganyan. *sniff*"

Pagkita ko, tulog na si Mama. Pagod na pagod na sya. I mean, she looks stressed and desperate.

.

.

.

.

.

.

Nagising nanaman ako na wala na si Mama sa tabi ko. Saan nanaman kaya yun nagpunta. Naisip ko din na wag na lang syang pigilan. Kasi last time na pinigilan ko sya, mas lalong lumala.

Naligo na ako, nagbihis at kumain.

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Kevin na may hawak na rose.

Lumapit ako sakanya at binatukan ko sya.

"Aray. Bat mo naman ako binatukan."

"Para yan sa pagiwan mo sakin kahapon. Tss"

"Oh! Bulaklak. Sorry na."

Pagkakita ko sa bulaklak. Artificial. Bulok talaga tong kumag na to.

"Artificial?" tanong ko.

"Yes. Naisip ko kasi na kung artificial, di sya mabubulok diba? Di mo sya itatapon."

"And then?" Hahaha. Wala lang. Wala naman akong masabi e.

"Look. What I mean is, tulad ng pagmamahal ko sayo. Hindi nawawala. Hindi nabubulok. At ayoko din na magkaroon ng uod sa relasyon natin. Yun lang yun."-Kevin

Ok. Ang corny. Pero dahil mahal ko to. Kinilig ako syempre.

"Eh bat si Eula?"-ako

"Eh bat si Gio tsaka si Rey tsaka s-"

Di ko na sya pinatapos kasi naiirita na talaga ako -_- Ugh.

"Tara na nga. Dami mo pang sinasabi e." Nauna na akong naglakad. Pero, sa totoo lang ginawa ko lang yung dahilan para di nya makitang ngumiti ako.

Mayamaya nasa tabi ko na pala sya.

"Bat ka ngumingiti?"

"Nakaisip na kasi ako ng paraan kung pano ihihiwalay ang mga bitch sa relasyon."

*Boink

Opo. Binatukan nya po ako. Ang galing diba? -_-

"Bat mo ko binatukan?"

2 crazy idiots <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon