Chichay's POV
Hinatid na ako ni Kevin dito sa bahay namin.
Pagpasok ko sa loob.
.
.
.
.
.
.
O_______O
Ako lang ba to o talagang wala nang kagamit gamit sa bahay.
Nakita ko si Mama nakaub-ob sa tuhod nya yung mukha nya habang may bote ng alak sa harap nya.
"M-Mama"
"Shhhh~ Wag ka ngang maingay. Antahimik na ng bahay tapos nagiingay ka pa!" sigaw nya
Mayamaya bumaba si Ate dala ang mga bag namin at maleta.
"Ate san ka pupunta?"-ako
"Anong ako? Tayo! Maghahanap tayo ng bagong lilipatan!"-Ate Rain
"What?"
"Nabaon sa utang ang kompanya dahil sa laging pagkatalo ni mama sa casino"
Yan. Ganyan si Ate. Di nya pinapahalata na naiiyak sya. Nagmamatapang sya. Pinapakita nya na wala lang sa kanya ang lahat. I wish I could be brave like her. I mean yung sa gantong sitwasyon.
---
Nandito na kami sa bago naming apartment.
Alam nyo yung problemado? Ako yun e. Sumabay pa kasi tong si Kevin. Tinatawagan ko kasi sya, di man lang ako sinasagot. -_____-
Humanda sya sakin bukas.
"Charina"
"M-Mama"
"Sorry. *Sniff" sabi ni Mama.
"A-ano ka ba Mama. Ayos na. Nangyari na e. Wag ka nang umiyak Ma. Sino sino bang magtutulungan kung 'di tayo lang din magiina."
"Zzzzzzz" Okay. Tinulugan nanaman ako ni Mama.
*Sigh
"Oy Chichay. Maghahanap ako ng trabaho bukas. Wag ka nang mamroblema dyan. Tss"-Ate Rain
"Ako din Ate."-ako
"Ako lang ang maghahanap ng trabaho. Wag kang aangal! Sasakalin kita *sniff"-Ate Rain
"Bakit ba tayo *sniff umabot sa ganto?"-ako
"*sniff matulog ka na nga. Tss"
Oh. See? Nagmamatapang padin sya. Odiba? Baka si Ate Rain yan?
Oo nga pala. Nakakuha kami ng apartment sa medyo malapit lang din sa school. Ok din naman. Isa lang ang kwarto. May maayos na facilities at higit sa lahat mura pa. Medyo di nga lang safe yung ibang dadaanan masyadong madilim pag gabi e.
Manong Kevin calling..
"Walang hiya kang lalaki ka! Kanina pa kita tinatawagan!"
[Kevin. Halika na dito!]
Teka? Boses ng babae yun ah? At di ako pwedeng magkamali, boses ni Eula yun. Pucha bat sila magkasama? -____-
[Ay sorry. Napindot ko lang. Bye]
*tooot*tooot*
Pucha. Anong napindot? -_____- Humanda ka talaga bukas sakin. Ano ba? Naiiyak nanaman ako lalo. Tss. Lord kunin nyo na ako please?
Sinubukan ko na uli tawagan si Kevin kaso wala na. Naka-off na yung Cp nya. Lalo na tuloy akong humagulgol ng iyak. Seriously? Is he cheating on me? Why do we have to get on this point. Iiwan na ba nya ako?
----
(A/N: Masasaktan nanaman ba sya? -_____- Ano ba? Tss. [timang po ako kasi kinakausap ko yung sarili ko. -_-])
[They say I doesn't look stressed because I'm jolly, playful, and outgoing. But they don't know that I have problems behind my happiness. :))] (c)Kimmy Pascute.
BINABASA MO ANG
2 crazy idiots <3
Teen FictionMahirap mapaglaruan ng Tadhana. Alam natin yan. Yung tipong nasaktan ka na uulit ka padin. Mahal mo e. Pero, di din natin alam minsan na may taong mas right at better pa pala. Bakit natin inaaksaya ang oras natin sa mga taong nananakit satin. Kung m...