Gio's POV
"Love hurts wether its right or wrong." nasabi ko na lang habang tinitignan yung picture ni Chichay sa cellphone ko.
Kakauwi ko lang din galing MOA kasama sila Chichay at Kevin.
Aaminin ko. Nasaktan ako kanina. Magsabihan ba naman ng Iloveyou sa harap mo yung taong mahal mo at yung mahal nya.
"Bakit ba nagpapakatanga ako sayo ha?" sabi ko sabay duro sa picture nya.
Akala ko kasi capable na maging kami. Ayoko na tuloy maniwala sa love at first sight.
Mayamaya may kumatok.
"Pasok po."
"Oh Mommy."
"Kamusta ka na anak?"
"Ayos lang naman my"
"Mahal mo talaga sya nuh?"
"S-sino?"
"Deny ka pa e. Yan oh? Yung picture sa phone mo."
"I really love her mommy. Kahit na may mahal na syang iba."
"Masakit nga yan anak. Wag kang magalala. Ganyan din ang storya namin ng Dad mo. In the end kami din naman ang nagkatuluyan"
Sana nga ganun kadali yun e. Sana nga ganun kami e. Sana nga kami yung nakadestined pero hindi e.
"Alam mo ba kanina mom. I hate watching them sweet to each other. Pero mom, pinaglalaban ko naman sya kay Kevin e. Hindi nya talaga ako mapansin. Ano bang wala ako na meron si Kevin?"
"Una lang talaga nakikilala ni Chichay si Kevin"
"Tingin mo ba Mom. Kung nauna nya akong nakilala ako ang mamahalin nya?"
"Theres a chance. Sige na anak. Ipaglaban mo ang karapatan mo. Ok?"Mommy sabay tayo.
"Sige hon. Handa na yung dinner."
"Sunod na lang po ako."
Sana ako na lang si Kevin.
Teka? Di ah. Dapat sya ang maging ako. Gwapo gwapo ko e.
Bumaba na ako para magdinner kasama sila Mom.
"Kuya. Nakita ko yung picture ng babae sa phone mo."-Lexy
"Oh? Ano naman? Pinasa lang sakin yun?" sagot ko
"Pinasa nga. Wallpaper mo naman. Kahit kailan ka talaga kuya."
"Mananahimik ka o mananahimik ka?" sabi ko sabay hinawakan ko yung kutsilyo.
"Sorry na. Hahaha. Talunan."
Sumimple ako ng bad finger sakanya habang sumusubo si Mommy.
"Tumigil na nga kayong dalawa." Mommy
At ayun nag make face nanaman kaming dalawa. Dahil sa batang to kahit papano nawawala wala sa isip ko si Chichay.
Umakyat na ako sa kwarto ko.
Mayamaya
.
.
.
.
.
.
.
*Tok. Tok.*
"Sige. Pasok."
At pumasok nanaman tong si Lexy.
"Problema mo? Matutulog na ako. Lumabas ka na tas lock mo yung pinto."
"Kuya. May dapat kang malaman."
BINABASA MO ANG
2 crazy idiots <3
Teen FictionMahirap mapaglaruan ng Tadhana. Alam natin yan. Yung tipong nasaktan ka na uulit ka padin. Mahal mo e. Pero, di din natin alam minsan na may taong mas right at better pa pala. Bakit natin inaaksaya ang oras natin sa mga taong nananakit satin. Kung m...