Kevin's POV
Habang hawak ko yung kamay ni Chichay gusto ko nang sumabog kasi kinikilig talaga ako. Oo na! Alam ko ang bading pakinggan. Eh sa yun yung nararamdaman ko e. Ano ba naman kasi e. Eh, sa eto na lang yung naisip kong paraan para di na sya mawala e. Andami pa namang tao. Malapit na kami sa bilihan ng bigas tapos may nakita kaming matanda kaya agad namin yung tinulungan.
Ang daldal ng matandang to =____=
Di na nga ako nakikinig sa kwentuhan nila ni Chichay e. Pero may narinig ako mula sa matanda na tumatak sa isip ko. Pano nga kung mangyari yun?
"May taong sisira sa relasyon nyo. Hindi yun magiging madali para sa inyo. Kahit pigilan nyong magkagusto sa isat isa, mahuhulog at mahuhulog padin kayo sa isat isa."-Lola
At nakarating na kami sa isang stall at nagstop si Lola.
"Dito na ako mga apo, Ikaw lalaki. Ingatan mo yang girlfriend mo ha? Pag yan nakawala pa sayo. Sigurado ako parang winasak ang mundo mo."-Lola
Ano bang mga sinasabi nya? Dapat ba akong maniwala? Di naman dapat diba?
Chichay's POV
"Halika na Chichay"-Kevin sabay hawak uli sa kamay ko tapos hinigpitan nya yun.
"S--sige" yan na lang ang nasabi ko.
Nakasakay na uli kami sa kotse ngayon.
"Hello?"-Kevin na may kausap sa phone
"Sino to?"-Kevin.
"Wala akong pake sayong putapeteng Gio ka! Wala kang pake kung kasama ko na sya o hindi pa! Hindi mo sya pagmamayari ok? Kaya tanggalin mo yang concerns mo sakanya!"- sigaw ni Kevin tapos pinasok na nya yung cellphone nya sa bulsa nya.
Bakit ganun? Simula nung sinabi ng matanda samin yun parang kumakapit na sya sakin na parang ayaw na nya akong bitawan. Pinapaasa nya ba talaga ako? Tskk.
Pagdating namin sa Venue.
Sinalubong agad ako ni Chloe.
"Bhestie! Ano ba nangyayari sayo? Nadedepressed ka na ata e. Ts-- Aw!" di na nya natapos kasi binatukan ko sya.
"Binili ko to oh? Kaya ako nawala!" sabi ko.
Hihilain na nya sana ako kaso hinila ako ni Kevin.
"Kumain na tayo. Nagugutom na ako."-Kevin.
Ambilis na ng tibok ng puso ko habang hawak hawak nya yung mga kamay ko. Lintik ka Kevin! Tskk.
Kumain na kaming dalawa tapos walang nagsasalita. Mayamaya, dumating si Chloe at Louie.
"Pasabay ah? Di pa kami kumakain e."-Louie sabay upo
Ubos na yung ulam. Uwaaaaah!
"Ayoko na." sabi ko. Pano puro kanin na lang ba kakainin ko? Tsss.
Nagulat ako kasi hinati ni Kevin yung chicken nya tapos nilagay sa plato ko.
Nanlaki na lang yung mata ko tapos nagpatuloy na sya sa pagkain nya.
Natapos na kaming kumain tapos next naman naming gagawin yung basta. Rapeling. Hayyy. May fear of heights pa naman ako. Akala ko nawala na yun kasama si Kevin.
Ayan na! Ako na yung next.
Tatalon na ako. @________@
Di pa natatapos yung crew sa paglalagay ng mga equipments sakin nang mahilo ako at may nanggulat sakin.
Kevin's POV
Nakita kong nalaglag si Chichay kaya agad akong tumakbo at tumalon. Nakapikit na yung mga mata nya, hinimatay nanaman sya. -_______-
BINABASA MO ANG
2 crazy idiots <3
Roman pour AdolescentsMahirap mapaglaruan ng Tadhana. Alam natin yan. Yung tipong nasaktan ka na uulit ka padin. Mahal mo e. Pero, di din natin alam minsan na may taong mas right at better pa pala. Bakit natin inaaksaya ang oras natin sa mga taong nananakit satin. Kung m...