Chapter 13

372 38 11
                                    


Kurt's Point of View


Kanina lang ako naguguluhan at napaiyak sa mga binasa ko. Hindi ko mapigilang magmura at magalit sa kanya. All this time, bakit kaya niyang maging masaya? Bakit kaya niyang ngumiti? Hindi ko na siya maiintindihan.


Kagabi, kinuha ko yung diary ni Irish sa kwarto nila. Hindi ko alam ano ang nangyari sa akin at bigla ko lang iyun kinuha. Gusto kong malamang ang katotohanan at yung mga bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya.


April 1, 2007


Recognition namin ngayon at nalaman kong ampon lamang ako nila Mama at Papa. Hindi ko sila kaano-ano. Hindi ako si Meiyana Lores. Ako pala si Irish Brillantes. Hindi nila alam kung sino ang mga magulang ko.


Mei, yung pangalan ko. Pero bigla yung nagbago nung nalaman ko na ampon lamang ako nila Mama. Naging Irish Brillantes na yung pangalan ko. Yun ang nakalagay sa isang birth certificate. Pero dahil nabasa daw iyun, hindi daw makita yung pangalan ng tunay kong magulang.


Ang napasakit isipin na ampon lang pala ako. Kaya ganun yung trato nila Mama at Papa sa akin. Kaya pala parang maid akong umakto sa bahay. Pero kahit ganun, hindi ko kayang naiyak. Simpleng ngumiti lamang ako at tinanggap ng lahat.


Diba? Sinong hindi iiyak? Siya! Hindi man lang siyang umiyak nung nalaman niyang ampon lang siya. Sinong tanga? Diba siya? Nakakainis na talaga. Hindi lang ang dahilan kung bakit ako naiinis. Marami pa.


August 28, 2007


Birthday na birthday ko ngayon. Pero biglang namatay yung mga taong nag-ampon sa akin sa isang trahedya. Nabangga sila ng bus at ako lang ang buhay. Ang nakakapagtataka lang ay hindi ako umiyak. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, sobrang lungkot ang dumapo sa akin pero meron ding saya. Hindi ko alam. Baka yun lang, nawala na yung mga magulang na inampon ako at ginawang alalay. Pero kahit ganun sila, nagawa ko pang mahalin sila.


And why? Bakit hindi pa rin ako makakapag-iyak? Ganun na ba ako kasama?


Napasabunot nalang ako sa buhok ko sa inis at galit. Bakit hindi niya sinabi sa akin na ganito pala ang nangyari sa kanya? Sa lahat ng dinaanan niya, nakaya niya pang tumawa at ngumiti. May tagok kaya yun sa ulo? Birthday pa niya nung namatay yung mga magulang niyang nag ampon sa kanya. Bakit makaya niya pang ngumiti?


September 8, 2007


Kinuha ako ng tiyahin kong si Merelda. Siya yung  kapatid ni Mama. Kahit hindi ko siya totoong tiyahin, trinato parin niya akong parang anak. Masaya ako kasi andun siya at yung asawa niya na nagtrato talaga sa akin na parang anak.


Meron din akong pinsan, si Elove. Parang kababatang kapatid ko din siya. Naging masaya kaming namuhay sa isang puder.


January 12, 2012


Namatay si Tita Merelda. Napatay siya nung niligtas niya ako sa isang motorbike na babangga sa akin. Masakit man isipin na nawala na yung tinuturing kong ina. 11 years old ako nun at grabe kong umiyak. Ako yung sinisi nila Elove at Tito sa pagkamatay ni Tita Merelda.

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon