Chapter 22

371 34 13
                                    


Irish's Point of View


Naguguluhan na talaga ako. Napahawak na lamang ako sa mga labi ko habang nakatulala na nakatitig sa iphone7 ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na naiintindihan. Bakit niya yun ginawa?


Halos na sabog na yung ulo ko sa kakareplay ng scene na yun sa aking utak. Hindi ko naiintinfihan tong nararamdaman ko. Parang isang iglap nalang sasabog na talaga tong ulo ko.


Nakayuko lamang ako habang iniisip pa rin kung bakit ginawa yun ni Kurt. Waaaaaaaah! Binatukan ko yung sarili ko.


Kalma Irish! Kalma!


Hinalikan ka lang niya sa lips.


Eh si sa lips yun eh!


Halos masabunot ko lang yung ulo ko sa kaiisip. Bakit niya yun ginawa? Dahil alam niya na gusto ko siya? At gusto din niya akong asarin? Ganun ba yung gagawin niya?


Eh bakit nga niya ako hinalikan? Waaaah! Hindi naman ata pwedeng halikan lang na walang rason diba? Eh bakit?


Mag-isip ka ng dahilan Irish! Mag-isip ka! Baka karma to dahil sa mga masusungit na ginawa ko sa kanya. Paano ko siya haharapin mamaya? NO! Dapat siya ang mahiya.


Pero hindi ko maiimagine yung sarili ko na haharapin lang si Kurt na parang wala lang. Baka sasabog na ako o di kaya'y maging statuwa sa harapan niya! Tuloooong!


Napabugtong hininga na lamang ako. Kailangan kong ikalma yung sarili ko. Wala yun Irish. Talagang wala lang yun. Pretend na walang nangyari. Ibura mo yung nasa kukute mo, Irish. Ibura.


Nung nakaabot na sina Reign at Zeira. Inaalalayan nila ako patungo sa mini gym para manood ng performance nilang Rocky. Daldal lang ng daldal yung dalawa kong kaibigan habang ako, hindi halos makaimik.


"Bat ang tahimik mo ngayon Irish?", biglang tanong ni Zeira sa akin. Narinig ko yung sinasabi niya pero hindi naman ako sumagot. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. I want answers.


"Kanina ka lang ha. At isa pa, ang pula mo", sabi naman ni Reign sa akin. Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.


"Pwede bang manghalik na walang dahilan?", out of blue kong tanong habang nakayuko na nakatingin sa lupa.


"Anooooo?! Uy! Hindi yun pwede no!", sigaw naman nilang dalawa. Napaangat ko nalang yung ulo ko at tumingin sa kanilang mga mukha habang initilt ko yung ulo ko.


"Eh kasi. May meaning talaga kapag may manghalik sayo.", in a state of fact na tone na sabi ni Reign. Nakatitig lamang ako sa kanya habang hinihintay yung sasabihin niya.


"Depende naman kung bakit. Pero meron talagang dahilan", dagdag naman ni Zeira. Napaiwas ako ng tingin sa mga sinasabi nila.

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon