Irish's Point of View
Waaaaaaaaaah! Juskolurd! Pwede na ba akong mamatay sa kilig? Bakit ganito? Bakit feeling ko ang saya ko? Bakit parang hindi parin kumalma yung tibok ng puso ko? Bakit ang pula ko pa rin?
Kinikilig pa rin ako sa nangyari kahapon! Akalain niyo, siya pala si Phillip? Destiny to! Kahit hindi ako naniniwala sa forever. Oh tadhana, thank you very much!
"Earth to Irish. Kanina ka pang ngumingiting mag-isa. Okay ka lang ba?", nagising ako sa mga pinapantasya ko nung niyugyog ako ni Zeira. Muli naman akong tumingin sa kanya at binigyan ng naguguluhan na tingin.
"Jusme Irish. Kanina pa kami na naweweirduhan sayo. Eh parang kang tanga na nakangiti na ewan.", dagdag naman ni Reign habang pinopoint out ako gamit yung finger niya. Hindi ko nalang sila pinansin at inub-ob yung mukha ko sa lamesa.
Andito pala kami sa library ngayon, walang teacher kaya pumunta kami dito para gawin yung mga assignments namin.
"Eh kasi~ Ahihihihi", nanggigil kong hagikgik habang inasandal yung ulo ko sa kamay ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin. Parang akong tanga neto.
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Kurt pala yung kalaro ko nung mga bata pa kami. Eh akalain mo, umiba na yung itsura niya, naging iba yung boses at height. Kaya pala parang ang familiar ng mukha niya nung lumabas siya sa TV eh.
Noon pa man, sa totoo lang. Hindi ako makaiyak. Hindi ko alam kung bakit pero hindi pa rin ako makaiyak. Maraming taong naging parte ng buhay ko na nawala sa akin. Sina Mama at Papa, tsaka pati si Tita. Hindi ko na alam. Pero dahil sa lungkot ng nararamdaman ko, hindi ko magawang maiyak. I shut all my feelings down.
But it change when I saw him. When I meet him..
Naglalakad ako patungo sa bahay at dumaan muna ako sa playground para bumili ng donuts. Hay naku, ano kaya ang gagawin ko sa mga chocolates na 'to na nasa bag ko?
Valentine's Day kasi ngayon at maraming bumigay sa akin ng tsokolate. Halos nga mga babae ang bumigay sa akin. Tinanggap ko naman iyun na walang emosyon. Sabi nila gusto daw nila ako, pwes anong pake ko?
Hindi nila alam ano ang dinaanan ko.
Habang naglalakad ako dun sa malapit na may swing na dala-dala ko yung binili kong dalawang donuts; yung isa binalot at ang isa ay kinakain ko, ay may nakita akong lalakeng umiiyak.
Nakayuko siya habang hawak-hawak niya yung isang bracelet. At nakuha din ng atensyon ko yung isang guitara sa tabi niya. Hindi ako umimik at umupo sa tabi niya--- sa isang swing.
"Uy, donuts", sabi ko sabay lahad ko sa kanya ng donuts. Tumingin siya sa akin na hindi umimik habang punas siya ng punas ng mga luha niya. "Kunin mo na, walang lason yan"
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Novela Juvenil(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...