Kurt's Point of View
PATAAAAAAAAAAAAAAY AKOOOOO NEEEEEETOOOOOOOOOOOOO! What the heck will be happening?! Paano na 'to?! Yung play nila Irish ay on the same time din sa birthday party ni Cindy! What should I do? Hindi naman ata pwede na pagsabayin yung dalawa eh iisa lang yung katawan ko.
Napabugtong hininga nalang ako habang iniisip ko kung ano ang mangyayari. Three days nalang at Sabado na. Okay na kami ni Irish pero paminsan parang iniiwasan niya ako. Eh hindi naman siya makatingin sa mga mata ko.
Naglalakad ako sa halls at medyo hapon na. Hinihintay ko kasi yung maid na yun na matapos na yung practice nila kaya naggala-gala muna ako sa school. Kukunin ko na sana yung notebook ko sa room nang may napansin ako.
Si James at si Loisa, naghahalikan. Agad naman akong namula sa nakita ko, tumago ako sa room na kinakabahan. Ngayon ko lang nalaman na meron parang relasyon yung dalawa.
Eh akala ko ba na gusto ni James si Irish, pero bakit sila naghalikan ni Loisa? Sabagay, gusto naman ni Loisa si James noon pa. Pero meron ding pagkamanhid din yung lalakeng iyun.
Baka narealize na niya na gusto siya ni Loisa. What a relief. Kinuha ko na yung notebook ko at lumabas na sa room. Pagbalik ko sa tingin sa lugar na yun, wala na si James at si Loisa sa kinatatayuan nila. Naglalakad na ang dalawa na naghoholding hands.
Hindi ko na sila tinawag at agad na akong pumunta sa gym para makita yung babaeng iyun. Err, you know what I mean. Pagpasok ko na sa gym, all eyes were on me pero nagpatuloy pa rin yung practice.
Nakatingin lamang ako sa direksyon kung asan si Irish na kasama yung bwuset na Jayden. Nagtitigan kami kasama yung lalakeng iyun at tumingin naman ako sa kanya ng masama. Heh!
Nagholding hands sila ni Irish kasi yun ang ayun sa script. Bigla siyang nagsmirk at tumingin sa mga kamay nila at bumalik yung tingin niya sa akin. That nerve of his! Grrr!
Napakunot noo nalang ako at umupo sa bleachers. Tumingin ako sa aking Iphone, 5:34 PM na pala. Nga pala, walang cellphone yung babaeng iyun.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko nung natapos na yung practice nila. Kinuha ko yung towel sa bag ko at lumapit kay maid. Ibinigay ko iyun sa kanya at kinuha naman niya.
"Hindi mo naman kailangan maghintay sa akin eh. Gabi na", masungit niyang trato niya habang pinunasan niya yung mukha niya gamit yung towel na binigay ko.
"Ayokong maulit nanaman yung nangyari. Nagkalagnat ka naman. Ayokong maging nurse mo nanaman.", masungit ko ding sabat sa kanya. Bigla niya akong sinamaan ng tingin. "Tara na nga" sabi sabay hila sa kanya.
Bigla kaming natigilan nung nagsalita yung bwuset na Jayden. "Wait! Irish!", lumingon kaming dalawa ni Irish kay Jayden. Lumapit naman ang mokong na nakatingin kay Irish na nakangiti.
"We're having a party in our house. What to drop in?", tanong ni Jayden na hindi matanggal yung pagtingin niya kay maid. Tumingin ako kay Irish habang hinihintay yung sagot niya.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Teen Fiction(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...