Chapter 26

238 25 21
                                    

Kurt's POV


"ANOOOOOOOOOOOOOO?!", sigaw nilang lahat dahil sa sinabi ko. Nakangiti pa rin ako na parang nanalo dahil sa reaction nila.


"Teka. Teka. Anong ibig sabihin neto, Kurt?!", sigaw ni Kuya Keanu sa akin kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nagpromise pa nga ako na siya yung una kong sasabihan tungkol sa amin ni Aiko. Pero, ugh. Sorna.


"Hehe", I grinned habang nagpeace sign sa kanya. Nakakunot noo lang nakatingin si Kuya sa akin. Pero halos lumabas yung kaluluwa ko nung biglang hinila ni Papa si Aiko palayo sa akin.


"Hindi ako masasang-ayon sa relasyon niyo", matabang sabi ni Papa na ikakalabas ng aking dalawang mata. Ano?!


"PO?!", sigaw naming dalawa ni Aiko dahil sa sinabi ni Papa. "Ano pong ibig niyong sabihin Papa?", dagdag ko habang malaseryosong nakatingin ni Papa.


"Hindi ako papayag na ang isang Irish na pinakasweet, pinakacaring, pinakamabait, pinakamasunurin na bata na nakilala ko ay may relasyon sa isang anak ko na si Kurt na ang pinakapikon, pinakamaldito, pinakamanyak na lalakeng anak ko. Hindi ako papayag! Baka mapahamak lang tong si Irish!", sigaw ni Papa sa akin.


Napakunot noo lang ako dahil sa sinabi niya. Pinaniniraan ba niya yung sarili niyang anak?! "Papa! Ano pong ibig sabihin nito?! Anong hindi ka po papayag? Pinaniniraan niyo po ba yung sarili mong anak?", pagalit kong sagot kay Papa. Nakita kong inakbayan ni Papa si Aiko at tumingin sa akin.


"Mapapahamak mo lang tong inosenteng bata na 'to. Knowing you Kurt, sasaktan mo lang si Irish. At kahit katulong lang siya sa bahay, parang pamilya na ang turing namin sa kanya. Kaya hindi ako papayag", pabossing na sabi ni Papa.


Naiinis na ako. Ano ba tong pinagsasabi ni Papa?! Anong sasaktan? Hindi ko maaring saktan si Aiko, eh mahal ko yung babaeng yun!


"Pa, anong sasaktan? Hindi ko po iyun magawa! Anong akala mo sa akin, manloloko?", napipikon kong sambat sa sinabi ni Papa. Napatingin ako kay Aiko na kanina lang tahimik. Naiinis din ako kasi wala siyang sinabi, hindi man lang niya ako idedefend, eh boyfriend naman niya ako.


"Hindi ako papayag. Tigilan niyo tong kalokohan na to. Kabata-bata niyo pa.", halos sumaka lahat ng dugo ko sa mukha ko dahil sa galit na nararamdaman ko dahil sa sinabi ni Papa.


"Tito, Kurt. T-Tama na po", mahinang sabi ni Aiko sa aming dalawa. Hindi ko siya pinansin at lumapit kay Papa. Hindi ko siya susuntukin o ano, magulang ko pa rin siya at may respeto ako sa kanya. Pero dapat respetuhin din niya yung relasyon namin ni Aiko.


"Pa-pa", padiin kong tawag sa kanya habang nakatitig pa rin sa kanya na parang may kuryenteng napagitan sa aming mga mata.


"Prove it to all of us, Kurt. Prove it na karapat dapat ka maging boyfriend ni Irish", malaseryoso niyang hamon sa akin.


Prove it? Edi iprove ko yung pagmamahal  ko para kay Aiko. Hindi ako magpapatalo kay Papa. Ipapakita ko na karapat-dapat talaga kami ni Aiko para sa isa't isa.

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon