Kurt's Point of View
"Cindy, it's me Kurt. I want to talk with you"
Biglang bumukas yung pinto at bumugad naman agad yung mukha ni Cindy. Ang pula ng mukha niya, namamaga yung mga mata at ang gulo ng buhok niya.
Hindi ko alam na ganito siya na apektuhan sa break up namin. Masama yung tingin niya sa akin na parang galit na galit siya sa akin. Nanigas lamang ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga titig niya.
"Why are you here? Leave me alone! Umalis ka sa pamamahay na 'to!", sigaw niya sa akin habang tinulak ako palayo. Hindi ako kumibo pero nakatingin lamang sa akin.
"Cindy.."
"What? Ano bang gusto mo?! Ha?! Nakakainis! Ano bang kinulang ko Kurt? Ano?! Sabihin mo sa akin?! Magaling ba sa kama yang babaeng iyan kaya mo ako pinalit sa bitch na yun? Ano?! Mas magaling ako sa kanya kung---", sinampal ko siya. First time kong nakasampal sa isang babae. I didn't even raise a hand to girls (well except from Irish). Namutla siya at nakatulala habang nakatingin sa sahig.
Naiinis ako sa mga sinabi niya sa akin. "Shut up. She didn't do a thing for me to like her.", matalim ko siyang tiningnan. Halos nanlaki na yung mga mata niya na nakatingin sa akin habang hawak yung sinampal ko na pisngi. "Not like you. You lied to me Cindy. You lied to me"
Tumulo na yung luha niya na nakatingin lamang sa akin. "Y-You knew?", kinakabahan niyang tanong sa akin habang namutla sa kinatatayuan niya. I step back and look at her.
"Kaya pala hindi mo masagot yung mga tanong ko sayo. Pinakilala mo lang sa akin na ikaw si Mai at ayun tinawalaan kita. Nagpaduplicate ka pa ng bracelet katulad sa ginawa ko para kay Mai para suyuin ako. Desperada ka talaga. Gagawin ang lahat for fame. For popularity", malamig kong sabi sa kanya. Sunod-sunod na tumulo yung mga luha niya sa pisngi niya.
'
"But! I still loved you! Minahal kita Kurt kahit ganun ang pinakauna sa lahat na nangyari. Minahal kita and I want you back! Bakit tayo nagkakaganito? Sabi mo ako lamang yung mamahalin mo? Sabi mo ako lang!", hagulhol niya sa tapat ko. Napaluhod siya sa kinatatayuan niya at marahas na pinahiran yung m ga luha niya.
"Hindi ikaw yung tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay si Mai. At hindi ikaw yun. You freakin' lie to me, Cindy! You lied. All this time hindi pala ikaw yung minahal ko. Ibang tao lang pala. You just made me believe that your the girl I ever like.", nagsermon ako sa tapat niya. "Get up, your better than this Cindy. You don't deserve me as I don't deserve you"
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko na tumayo siya at niyakap ako ng sobrang mahigpit. As in na sobrang higpit. "I'm sorry. I'm very sorry Kurt. Gusto kasi kita noon and I really want you kaya ginawa ko ang lahat para mapa akin ka. Even it means that I will lie to you", hagulhol pa niya habang yakap yakap niya ako.
Hinawakan ko yung balikat niya. "Cindy. Move on. Please let me go. You deserve someone better than me.", at pinahiran ko yung mga luha niya.
Kahit galit na galit ako sa kanya, may pinagsamahan parin kami ni Cindy. Kaibigan pa rin yun turing ko sa kanya. Pinahiran niya yung mga luha niya at ngumiti sa akin ng mapait.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Genç Kurgu(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...