A/N: Hihi wala lang. So ayun nga nga. Heto na naman ako. Sorry sa typos and grammar chorva, I don't proofread, I type as I think and I also don't fact check hahaha because enebeh fiction nga, gawa gawa lang to, imagination, kathang isip, walang katotohanan! Thank you for reading a newbie's work. Ngayon pa lang talaga, niyayakap na kita sa pasasalamat! 😙
--------------------------
MAMA TEN
"Ma, matagal pa ba?"
"Nak, sandali na lang."
"Inip na ako, Ma."
"Alam ko, Nak."
"Ma, miss ko na si Meng. Ano kayang ginagawa nun ngayon? Miss nya din kaya ako? Sana sumama na lang ako sa kanya sa Germany."
"..."
"Ma! Mama! Mama Ten! Mama Tenten! Ma!"
"Ano ba!"
"Maya ka na matulog, Ma. Kausapin mo muna ako."
"Haaaaay. Oo, miss ka din nun. Tawagan mo na agad agad, asawa ni ogod ogod, pagland natin. Ok na?"
"..."
"Tingnan mo tong batang to, gigisingin ako tapos sya pala matutulog."A couple of hours later...
"Nak, gising na. Nag announce na yung pilot, we're landing in 30 minutes daw."
"hmmm 5 minutes Ma..."
"Nak, gumising ka na para makapagfreshen up ka, punasan mo yang tulo laway mo o at may muta ka pa."
"Ha anong tulo laway at muta! Ikaw nga dyan eh."
"Ano ka, ang fresh ko kaya!"
"..."
"O bakit ganyan ka makatingin?"
"Hinahanap ko yung fresh, Ma! Wally!!!"
"Loko kang bata ka naku! Lumayas ka sa harapan ko, magfreshen up ka na!"
"Hahahahah Mama naman di na mabiro, eto na eto na magfreshen up na, excited na ako Ma!"Hay nako tong alaga ko, minsan parang lantang malunggay sa lungkot, pero kapag dinapuan ng kulit naman, kailangan may ipon kang lakas, dahil ikaw ang mauubusan! Naaawa ako sa batang to, halos di naman natulog, tulala lang sa saradong bintana. Nung nakatulog naman, ingit nang ingit, mga ilang beses din nya sinabi yung pangalan ni Meng. Masaya ako na ganyang may minamahal sha, pero di rin maiwasan na malungkot ako para sa kanila dahil hindi sila magkasama madalas, gaya ngayon, dapat sabay silang uuwi kaya lang --
"Ma, nakakatawa muntik na naman ako nauntog sa lavatory hahahaha"
"..." abala naman to, nagkkwento ako eh.
"Saka yung sink, ang baba halos di ako magkasya dun. Hahahaha"
"..." pinagtawanan talaga yung sarili nya, kay laking damuho kase.
"O bakit ganyan tingin mo sakin?"
"😂😂😂😂😂"
"Luh, Ma, ayos ka lang?"
"😂 ikaw kase, pinagtatawanan mo sarili mo. Di ka na nasanay sa mga lavatory, ilang beses ka nauntog nung papunta kayong Italy?"
"Grabe ka saken, Ma, dalawang beses lang yun!"
"😂😂😂😂😂"
"..."*attention passengers...*
Hindi ko na nagets lahat, basta malapit na daw kami magland at magseat belt na daw.
"Yes, Ma! Landing na!"
"Oo magseat belt ka na, wag ka na magulo."
"..."
"O bakit lungkot lungkutan na ulit ang drama mo?"
"..."
"Huy Nak, akala ko ba excited ka na at andtio na tayo?"
"Excited nga... miss ko na si Dad, Rizza, Kuya, Lolo, Lola, pati si Globie at Philip... pero kulang Ma."
"Heto na naman po tayo. Tatawagan mo naman sha paglapag na paglapag."
"Oo nga Ma, hayaan mo na kong malungkot sandali ngayon. Alam mo naman, paglabas dun mamaya, Pambansang Bae mode na ulet."
"Sa bagay. O sige, magmukmok ka na muna dyan. Ay susmaryosep! Ano ba namang pag ikot pababa ng eroplano to jusko..."
"Hahahaha Ma, nakakatawa ka talaga kapag landing na."
"Tse."Sa wakas nakauwi din kami. Hmmm... amoy Pilipinas... pweh! de joke lang. Hihi Mahal ko kaya ang Pilipinas, wag kayong ano. Tamo tong alaga ko, nadikit na naman telepono sa tenga. Sus, reforting por duty agad, ganon! Hay. Young love. Ay! Ayan na ang mga bagahe!
"Nak, tulungan mo muna ko dito huy!"
"Ay! Ok, Ma. Heto na"Sus may pa-bye love pang nalalaman, bubulong pa kunwari dinig ko naman.
![](https://img.wattpad.com/cover/73256615-288-k647456.jpg)
BINABASA MO ANG
Tapunan Ng Feelings
RomanceOk, so I am not a writer and will probably never be a writer. But sometimes, you just have to let it out. So heto, kapag andami kong feelings, dito ko itatapon. Thank you in advance sayo na magbabasa dito kahit walang kwenta. Hahaha Imagination. Imb...