Past

3.2K 200 29
                                    

A/N: Pasensha na... feelings.

----------

Ang hirap magmahal.
Kapag kase nagmahal ka, lahat ibibigay mo.
Yung isip, puso, kaluluwa mo - hindi ka magdadalawang isip na ibahagi sa mahal mo.

Ang hirap magmahal.
Kapag kase nagmahal ka, lahat nakikita sa'yo.
Yung kilos, ayos, pati pagngiwi ng bibig mo - walang kawala sa mata ng mga nakapaligid sa'yo.

Ang hirap magmahal.
Kapag kase nagmahal ka, umaasa ka na mamahalin ka din.
Yung isip, puso, kaluluwa nya - lahat gusto mong ibahagi nya sa'yo.
Yung kilos, ayos, pati pagngiti nya - gusto mo lahat yun, para lang sa'yo.

Ang hirap magmahal.
Pero mas mahirap magmahal na mag-isa ka lang.
Yung akala mong mga ngiti at kindat na para sa'yo, para pala sa babae sa likod mo.
Wala ka nang magawa kundi magmukmok at ibuhos sa papel ang lahat ng nararamdaman mo.

Ang hirap magmahal at masaktan.
Pero mas masakit yung husgahan ka dahil nagmahal ka lang naman.
Yung ikaw na nga ang lumayo at pinilit na makalimot.
Pero ikaw yung hinahatak pabalik para paalalahanan ng sakit at poot.

"Love? Ano yan?"

"Oh, love! Hi! Kiss ko?"

"Sus, o ayan. O ano na nga yan?"

"Ah eto, nag-aayos kase ako ng mga kalat ko sa closet and found this. Grabe tagal na nito. Grabe pa yung hugot ko dito, Love. Nung naghiwalay kami ni---"

"Op op op, he who shall not be named na lang, Love."

"Hahahah ok, Love. Ayun nga, nung naghiwalay kami, tapos lahat ng tao ang tanong pa rin sakin yung mga tipong o, kumusta ka naman ngayon na wala na kayo ni tooot. Diba parang uggh, gusto ko lang kalimutan at ibaon, pero kinakalkal."

"Patingin ng kalkal, Love."

"Ay ewan ko sa'yo!"

"Hahahah joke lang, Love. Alam ko naman na noon ang dami mong feelings, sinusulat mo lang lahat para mailabas."

"Yeah, it was really more of a release of feelings, that people misinterpret as longing, you know? Kahit hanggang ngayon, Love, may mga tao pa din na hinuhukay yung old blogs ko! Kung alam lang nila."

"Gusto mo ba iannounce na natin?"

"Love, we talked about this. Let's just keep our marriage private. They don't have to know. Basta, always remember na mahal kita and kahit anong mangyari or sabihin ng iba, tayong dalawa lang."

"Ay, nagpapaka-sentimyento de patatas na naman tong misis ko... halika nga muna dito at namiss kita..."

"Huy Love, ano ba... eeeeeeeep nakikiliti ako!!!"

"Susmaryosep santisima trinidad kayong dalawa!!! Ang laki laki kong taong nakatayo dito, hindi nyo ba ako nakikita???!!! Makalayas na nga, ang sakit nyo sa shiny side bangs ko!!!!"

Tapunan Ng FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon