Pangako [2]

2.4K 160 13
                                    

[Part 2 of 3]

MAINE

Alam mo... nung nag-audition ako sa Eat Bulaga, ang gusto ko lang naman talaga eh subukan kung ano ang mararating ko. Hanggang nung tinawagan ako at nagsimula ang pagbabago ng buhay ko. Sabi mo sa'kin nung first date natin, bago pa man tayo nagkita sa split screen, pinapanood mo na 'ko sa youtube. Aaminin ko na hindi talaga ako naniwala sa'yo nung una. Sabi ko nga sa sarili ko na hindi date 'yon, pero syempre pinagpilitan mo na date nga.

Sobrang bilis ng panahon. Isang taon na nung ngumiti ka sa akin, at napangiti mo din ako. Sa totoo lang, hindi kita masyado matandaan nung Candy Fair, tapos yung picture pa natin, blurred. Kaya ang tatatak talaga sa isip ko na una nating pagkikita eh yung nung umupo ka dun at pinanood mo ako na magpapanget. Akala ko noon, nung una tayong nagkita sa split-screen, na wala lang 'yon, sige cute ka, crush kita, char, ok fine! Akala ko kasi noon, katuwaan lang, tukso tukso, hanggang sa everyday ka na nila pinapakita sa'kin, tapos ikaw, ang pa-cute mo kasi! Pero ngayon ko lang aaminin 'to sa'yo... unti-unti talaga ako'ng nahulog... hanggang dumating yung Tamang Panahon natin. Tapos heto, anniversary na natin. Sobrang bilis diba? Yung bilis na hindi pa rin ako makapaniwala na heto na tayo. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano ba yung magandang nagawa ko sa buhay ko para i-bless ako ng Dyos ng ganito kagandang buhay at ganito kagwapong makakatuwang habambuhay. Naks! O, ano ka ba, di pa ko tapos, mamaya ka na umiyak. Ang iyakin mo talaga!

Andaming nagsasabi sa akin noon na hindi tayo bagay. Panget daw kasi ako, maluwang ang bunganga, walang talent, na you're too good for me. Totoo naman. Gwapo ka, isang ngiti mo lang, laglag na lahat ng malalaglag, at yung very understated talent mo as an actor. Number one fan mo nga ako diba. Meron din naman na ikaw yung inatake. Fake ka daw, aktingan lang, ginagamit mo daw ako, I'm too good for you daw. A lot of people said na we don't deserve each other, na pang-reel lang, na magaling tayong magpanggap na nagmamahalan. And me, being the pessimistic bella, there were times na I doubted us, not because my feelings for you were not strong and true, but because I thought of the possibility of coincidence, versus destiny. For me kasi, magkaiba yun. I had doubts then that our meeting was not destiny, but forced... na we just pushed too much to make us work. But it didn't take time for me to realize na we didn't really have to work for it, did we? Yes, andaming taong nagdoubt including me, pero mas marami yung naniwala, including you. And I'm glad na ipinaglaban mo, na pinatunayan mo hanggang maniwala ako, na totoo na to. I'm glad na hindi tayo nakinig sa mga bumubulong... na yung isa't isa lang talaga yung pinaniwalaan natin.

Kaya thank you, for always reminding me that our love is worth having and worth fighting for. Thank you for always reminding me of how beautiful I am inside and out, kahit madalas napipikon ka na kapag tinatawag ko yung sarili ko na panget. Thank you for always being there for me, kahit minsan hindi physically, you've always made it a point to assure me that you're there with me. Tayo na yata talaga yung epitome ng long distance relationship, dahil kahit na nasa isang bansa lang tayo, ang dalang lang natin magkasama physically. Thank you for understanding, na hindi sa lahat ng oras, mahahawakan natin ang isa't isa. Thank you for opening yourself up to me, and for always being honest. Thank you for always protecting me, for always making me feel safe, and for simply holding my hand. Thank you for cherishing me, appreciating everything I do, and supporting my decisions. Thank you for completing and loving me, my RJ. And thank you for letting me complete and love you in return.

It's your love that gives me hope for better tomorrows. It's your love that gives me warmth whenever I would feel the coldness of the world. It's your love that embraces me whenever I would feel alone. It's your love that has kept me grounded through all this, because it's your love that reminds me of who I really am, especially in times when I feel like I'm losing myself.

Minamahal kita, Richard Reyes Faulkerson, Jr, nang higit pa sa buhay ko. Hindi ako magdadalawang isip na ipagpalit ang buhay ko para sa'yo. Mahal kita nang walang pag-aalinlangan. Kung mayron mang isang tao na paniniwalaan ko sa mundo na puro kasinungalingan, ikaw lang yon, RJ ko. Mahal kita nang buong buo. Lagi mong tatandaan na kahit ano pa ang mangyari, iyong iyo lang ang puso at buong pagkatao ko. Mamahalin kita kahit anong mangyari, san man tayo mapadpad, kahit pa sa kabilang buhay. Kung maubos man ang lahat ng bagay na meron tayo, basta tayong dalawa, walang bibitaw.

Kung hihingan ako ng isang pangako na maibibigay ko sa'yo, ito lang, RJ ko: na hinding hindi ako mawawala sa'yo. Kahit pa magkalayo tayo, sa'yo pa rin ako. Ibinibigay ko sa'yo nang buong buo ang sarili ko. Kung dumating yung oras o panahon na mas gusto mo nang mag-isa at mas magiging masaya ka kung iiwan kita, lalayo ako ng distansya, pagbibigyan kita dahil ang kaligayahan mo ang mahalaga sa akin. Pero iiwan ko sa'yo ang puso ko, kung yun na lang ang paraan para manatili ako sa piling mo.

Tapunan Ng FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon