Silence

3.4K 217 25
                                    

A/N: Fiction, imagination, kathang isip, gawa gawa lang, imbent, hindi (pa) nangyari, hindi totoo. Wrote this after nung press con sa Cebu, nalimot ko publish, lutang kase. 😔

--------

A: Minsan wala ka na lang magawa kung hindi manahimik. Hindi dahil wala kang masabi or maisagot, kundi dahil alam mong wala namang paroroonan yung sasabihin mo. Yung kahit naman ano ang isagot mo, ikaw pa rin ang malalagay sa alanganin. Mahirap pagsabihan ang mga bingi at ang mga wala naman talagang balak makinig. Kaya mas okay pa madalas na tumahimik na lang.

Hindi naman namin pinagkakaila ni Maine na hindi kami perpekto. Walang taong perpekto sa mundo. Kung sa tingin mo perpekto ka, eh di ikaw na. Pero naniniwala ako na lahat tayo, perpekto man or hindi, mahal tayong lahat ng Dyos.

Ang hirap kasi minsan sa mga taong mapanghusga, based lang lahat sa nakikita nila yung mga sinasabi nila. Kung baga, talagang they judge the book by its cover. Ni hindi manlang muna basahin yung summary or excerpt. Minsan nga, title pa lang, nahusgahan na yung buong libro. Minsan naman, pangalan pa lang ng author ang nakikita, ang dami na agad nasabi.

Ako, sa totoo lang, sa mga interviews, siguro mas madami, mahaba, or medyo mabulaklak ang mga sinasabi ko kaysa kay Maine. Si Maine kase alam nyo naman diretso sumagot yan. Hindi yan nagpapaligoy-ligoy. Ako, I try to be diplomatic as I possibly can. Ayokong nakakapanakit ng tao, lalong lalo na through my words. I try my hardest not to be misinterpreted. Pero sabi ko nga, minsan kahit anong sabihin ko naman, namimisinterpret pa din. Kaya masarap manahimik minsan.

Yan yung pagkakaiba namin ni Maine. Sya kase, kapag may gusto syang sabihin, eh nako, walang makakapigil sa kanya. Alam nyo naman kung gaano sya ka-vocal sa mga bagay-bagay. Siguro isa yan sa mga katangian nya na minahal ko talaga. Totoo kasi sya eh, compared sa mga ibang artista na yung hindi naman nila nature yun or hindi naman sila dati ganun, pero eventually, the fame gets in their heads, kaya siguro nagiging plastic. Wala akong tinutukoy in particular ha. In general yan, based sa experience ko sa showbiz. Pero ayun nga, yun nga lang si Maine, mas madaling magdamdam kesa sa akin. Pero alam nyo, mas nagdadamdam sya kapag yung issue eh sa akin nakabato. Same din sakin, yung mga issues na lumalabas about her, ako talaga yung nagwawala, habang sya, kebs lang ang sinasabi nya. Ayan ganyan kaming dalawa. Tagapagtanggol ng isa't isa. Kaya kapag tahimik ang isa sa amin, yung isa yung magsasalita.

Press: A ganun pala. Kaya ba laging ikaw ang sumasagot nang paligoy-ligoy tuwing tatanungin kayo kung ano na ang status nyo?

M: Teka po, sumasagot din naman po ako kapag natatanong. Sabi nga po ni Alden, may mga bagay na mas okay nang manahimik na lang kami. Kasi kahit naman po ano ang isagot namin, hahanapan at hahanapan din naman po ng butas at issue.

A: Teka lang, LOVE, gusto mo ba sagutin na lang natin?

Press: ... 😲😲😲

M: Erm... I think you just did. 😐

A: 😏

MT: Ay jusmiyo marimar!!! Tara na tara na, ayan nagkakagulo na sila!

Tapunan Ng FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon