Ikaw at Ako

1K 82 3
                                    

Alam mo yung feeling na yung ubos na ubos ka na? Yung ginawa mo naman lahat. Yung tiniis mo naman lahat, pinilit intindihin, yung pilit mong pinahaba yung pasensya mo pero sa huli, wala... talo ka pa rin... ikaw pa rin yung masama.

Siguro sa ibang tao, ang babaw lang nito. Pero para sa akin, ang hirap. Lahat naman tayo may kanya kanyang problema sa buhay, yung iba mas mabigat kaysa sa iba. Pero lahat yan problema.

Paminsan iniisip ko kung may nagawa ba akong masama? May nasaktan ba ako? May natapakan ba ako? Pinaparusahan ba ako?

Simple at tahimik na buhay lang naman ang gusto ko. Yung tahimik at masayang nagtatrabaho, yung nakikita ang mga kaibigan kahit paminsan minsan, yung nakakalabas nang malaya na hindi ko iniisip kung may mga papansin ba sa kilos ko.

Namimiss ko na yung ako. Yung masiyahin, yung kebs sa bagay bagay, yung malayang pagtatawanan ang mga pinakamabababaw na mga bagay.

Pero siguro nga, may mga tao o bagay talaga na ibabato sa atin para subukan ang tatag ng pagkapit natin sa buhay. Ako, sa totoo lang, nasasagad na ako. Minsan gusto ko nang bumitaw at iwanan na lang lahat. Pero bigla kong maaalala yung mangilan ngilan na alam ko namang totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Kayo na lang ang kinakapitan ko. Sa inyo na lang ako humuhugot ng lakas.

At sayo, pinakamamahal ko, sayo na lang ako sumasandal. Sorry kung nabibigatan ka na din minsan dahil alam ko na ikaw din may dinadala ka. Pero salamat dahil kahit wala akong sabihin, kahit hindi ako tumingin sa mga mata mo, nakikita mo pa rin at nararamdaman kung ano ang kailangan ko. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang mga pagsubok kung wala ka sa tabi ko. Salamat sa paghawak sa kamay ko. Salamat sa pag-alalay kahit na lagi kong sinasabi sayo na wag na. Salamat sa pagbibigay mo ng oras kahit alam kong ikaw mismo, wala ka nang oras para sa sarili mo. Mahal na mahal kita at sana hindi ka magsawa.

Mahal ko, wag mo sana akong hahayaang bumitaw. Mawala man silang lahat, kakayanin ko. Pero baka tuluyan na akong bumigay kapag ikaw na ang mawala sa buhay ko.

Tapunan Ng FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon