Lambing

2.8K 188 2
                                    

R: O love, kumusta na yung pakiramdam mo? Mejo nabawasan na ba yung sakit? Sabi ko naman kasi magpahinga ka na lang muna today, eh di sana nagpapahinga na lang tayo pareho.

M: Ok lang ako, love. Alam mo naman tong dinosaur na to tuwing dadating. Pero paalis naman na. Ayoko na mag-absent. Lagi na lang ako nag-aabsent kapag ganito.

R: O eh sige ikaw bahala.

M: Ikaw, di ka ba pagod sa byahe? Sabi ko naman kasi sa'yo wag mo na ko puntahan dito.

R: Alam mo naman, love, makita lang kita, tanggal na lahat ng pagod ko.

M: Sows, echusero ka. Lika nga dito ka sa tabi ko.

R: Hindi naman sa ano ha, pero gusto ko talaga kapag andyan ang dinosaur, kasi ang lambing mo sakin.

M: Tse. Ngawit lang ako, kelangan ko lang ng dantayan.

R: Dantayan, eh yung pagkakapulupot mo sa braso ko o.

M: Ayaw mo ba? 😢

R: Ha, hindi! Gusto! Gustong gusto! Sige dyan ka lang, yakap ka lang sa biceps ko hanggang gusto mo.

MT: O nak, anyare dyan?

R: Wag ka magulo, Ma. Naglalambing lang, dinosaur eh.

M: Hi Mama Ten, ang kyot ng hair nyo today.

R: Ayan nagising tuloy. Yaan mo na si Mama Ten, love, yakap ka na ulit sa bicep ko.

MT: Meng, may gusto ka ba, buy kita, dali sabihin mo sa Mama Ten.

R: Susmaryosep, Ma. Nagsipsip ka pa talaga ha.

MT: Tse, tumahimik ka, di ikaw kausap ko. Ano Meng, may gusto ka ba? Isaw? Banana Cue? Turon?

M: Wala na po Mama Ten, ok na po ako dito.

R: Love, lubus lubusin mo na, madalang mag offer yang si Mama Ten. Hahahaha

MT: Ikaw talaga, hmp! Sige iha, ako nang bahala. BRB! *flips shiny side bangs*

M: Ikaw talaga, ang bully mo kay Mama Ten!

R: Huy hindi ah. Mas bully yun sakin! Ang bait ko nga eh. O ano na pakiramdam mo, malapit na tayo sumalang.

M: Okay na ko.

R: O san ka pupunta? Dito ka lang, please?

M: Sus, o sino ngayon malambing?

R: Eh basta, lika muna dito, pakith 😙

M: Hay nako.

Tapunan Ng FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon