Ed at Moira

799 65 1
                                    

"Anak ng! Hayop sino na naman nagpaiyak sa'yo? Lika kingina babangasan ko! Ituro mo saken!"

"Hindi na, tapos na. Okay na ko."

"Gago eh mugtong mugto yang mata mo! Lika balikan natin! Tatamaan yon saken!"

"Anubah bes, wag na."

"Anong wag na! Sino ba yan? Ano pangalan, papahanap ko!"

"Wag ka ngang warfreak! Wala nga to!"

"Eh potah sa lahat ng ayoko umiiyak tong bespren ko kingina. Tamo itsura mo para kang nilamukot dyan. Akina nga punasan ko uhog mo. Malinis tong sando ko, kakakuha ko lang sa sampayan nito."

"Anubah tumigil ka, tapos na nga."

"Langya to. Sabihin mo kasi sakin yung pangalan dali!"

Napabuntong hininga na lang ako sa ka-OA-yan ng bespren kong amerikanong hilaw.

"Si Moira."

"Moira? Langya naman bes sabi ko naman sayo wag ka nang pumupunta ng palengke eh! Inggit sa kinis mo lahat ng tindera don! Mas makinis pa siko mo sa mga pagmumuka nila don eh!"

"Gago tumahimik ka nga. Marinig ka ni Aling Tinay sabihin ang yabang ko."

"Ano ka ba, kakampi natin si Aling Tinay! Diba nung hinagisan ka ng bilasang bangus ni Julia nung isang beses, binuhusan sya ni Aling Tinay ng isang timba ng pinaghugasan ng halaan at pinalabas na aksidente! Hanggang ngayon amoy ko pa rin lansa non pag nakakasalubong ko!"

"Ay! Oo nga pala! Tawang tawa nga ako don! Panalo si Aling Tinay don! Pero naaway sya nung mahaderang nanay ni Julia, kaya utang na loob wag na natin sya bigyan ng dahilan mangbuhos ulit!"

"Lika nga dito. Umupo ka."

Inabutan nya ako ng kalahating monay bago nya isubo yung kalahati.

"Salamat, kahit di manlang sasayad sa lalamunan ko to."

"Mamaya magpapansit tayo," sagot nya habang nginunguya nang buo yung kalahating monay.

"Umupo ka muna at kainin mo yan," dugtong nya pagkalulon ng monay. Muntik na syang mabilaukan.

"Hayop bakit ba kasi di ako bumili ng Royal."

"Ewan ko sayo."

Kinain ko yung monay. Pinanood nya lang ako. Pagkaubos ko, saka sya nagsalita.

"O ikwento mo na kung sino si Moira at bakit ka pinaiyak nang ganyan."

"Gago di naman ako inaway ni Moira. Naiyak lang ako sa mga pinagsasabi nya, kahit di naman para sakin."

"Eh ayan napakachismosa mo kasi tamo tuloy eh di ikaw nasaktan. Ano ba kasi yung chismis."

"Tanga hindi naman chismis.

"Eh ano nga? Ano bang nadinig mo?"

"Sabi nya 🎶mahirap nang labanan mga espada ng orasan🎶 kingina ang lalim diba sarap manapak eh lapastangan sa feelings ko, bes!"

"Putangina. Kanta ba to? Nadinig ko na to! Iniiyakan din to ni Pareng Je nung isang araw! Hay nako ewan ko sa inyo!"

"Hoy wag kang judger wala naman tayo sa husgado! Ikaw nga tong iniyakan kanta ni Ed."

"Sino namang Ed?"

"Sus. Si Pareng Ed! Umiyak ka nung isang araw dun sa kanta nya para sa lola nya ba yon o nanay nya! Yung tinagalog ni Pareng Je!"

"Ah kingina yon umiyak ako kase nun ko lang naintindihan yung kanta!"

--------
A/N: Sometime last year, I attempted a multi-chapter Tagalog fic, entitled Tondo (inspired by my daily drive to work 😅). Like some of my other fics, I decided to shelve it muna because I needed to research pa about the place 😂 hassle sa muscle.

This was one of the chapters LOL

Thank you for reading!

Tapunan Ng FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon