[Part 1 of 3]
RJ
Maine, it's been a year since we met again for the first time. I say "again for the first time" dahil alam naman nating lahat na pinagtagpo na tayo ng Dyos nung mga bata pa lang tayo. Ang bilis ng panahon no? Parang kahapon lang na sa split screen lang kita nakikita, na kahit gusto kitang mahawakan, hindi pwede. Ang dami na nating pinagdaanan, lahat yun sabay natin nalampasan. Ang dami na nating naging tampuhan, pero lahat din yon, sabay natin naayos at napag-usapan. Ang dami na nating mga kaibigan at tagahanga na dumating at umalis, pero tayong dalawa, nanatiling matatag, andito pa rin.
Masaya ako, Menggay ko. Masaya ako araw araw knowing na kahit physically malayo ka sa akin minsan, alam ko na andito ka lang sa tabi ko. Masaya ako na kahit madami akong mga pagkukulang sa'yo, naiintindihan mo, at hinahayaan mo ako na bumawi para mapunuan kung ano man yung pagkukulang na yon sa ibang paraan. Masaya ako, Menggay ko, na hindi mo ako iniwan, na hindi ka sumuko, at higit sa lahat na tanggap mo na marami akong kahinaan at willing ka na maging malakas para sa ating dalawa paminsan-minsan.
Alam ko, Menggay, minsan napapagod ka na. Sa mga paulit-ulit na issues, sa mga di mamatay na tsismis, sa mga hindi pagkakaintindihan ng mga tao sa paligid natin, na paminsan tuloy pati tayo, minsan hindi na rin magkaintindihan. I'm sorry kung pati ikaw nadadamay, kahit madalas, sa akin naman talaga sila may problema. Pero salamat, dahil sa kabila ng lahat ng yan, sa akin at sa ating dalawa ka lang naniniwala. Salamat, dahil hindi ka nagsasawang makinig sa akin.
Salamat, Meng. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo araw araw. Salamat sa pagdating sa buhay ko. Salamat sa pagiging ikaw. Salamat sa pagpayag na maging better half ko habambuhay. Salamat sa pagmamahal mo, sa pagpuno mo sa puwang sa buhay ko, at sa pagbuo sa pagkatao ko. Salamat sa pagbibigay ng lahat ng kaya mong maibigay sa akin, para lang ipakita na mahal mo ako. Salamat sa lahat ng yan, pero sana ang lagi mong tandaan, ang ngiti mo sa akin at makita ko lang na masaya ka, sapat na yun para maging masaya na din ako.
Mahal kita Meng, nang higit pa sa buhay ko. Mahal kita na higit pa sa pagmamahal na akala ko hindi ko kayang ibigay. Iba pala yung pakiramdam kapag ayan na sa harap mo yung taong para sa'yo. Yun yata yung naramdaman ko eksaktong isang taon mula ngayon nung nagkita ulit tayo. Minsan iniisip ko na sayang, sana nung 2010 pa lang na nagkita tayo, nagkakilala at naging magkaibigan na tayo. Pero siguro, kung nangyari yon, baka naman wala tayo ngayon dito at wala tayo ng lahat ng meron tayo ngayon. Kaya naniniwala ako na may dahilan kung bakit nagkita tayo ulit, Meng. Siguro ito na yun? Yung maramdaman natin yung pagmamahal na ganito katindi. Yung hindi ko na maisip yung buhay ko na wala ka sa tabi ko.
Meng, ikaw ang buhay ko. Kung dumating yung araw na hindi na maging sapat ang kung ano man yung meron ako para patunayan na mahal kita, handa akong ialay ang buhay ko para sa'yo. Kung dumating yung araw na bawiin ka sa akin ng Dyos, magmamakaawa ako sa kanya, maglulumuhod hanggang bumigay na ang buong katawan ko, hanggang sa tanggapin nya ang buhay ko kapalit ng sa'yo... dahil Meng, wala akong buhay kung wala ka. Walang kulay ang mundo kung wala ka. Wala akong dahilan ngumiti kung di ko makikitang ngumingiti ka rin sa akin. Walang halaga ang pananatili sa mundong ito kung hindi ko rin lang mahahawakan ang kamay mo.
Meng, isa lang ang maipapangako ko sa'yo sa araw na ito-- na iyong-iyo ako, buong-buo, buong pagkatao, iyong-iyo ako. Hanggang sa huli kong hininga, at kahit sa kabilang buhay pa, hahanapin at hahanapin kita para iparamdam sa'yo na mahal na mahal kita.

BINABASA MO ANG
Tapunan Ng Feelings
Roman d'amourOk, so I am not a writer and will probably never be a writer. But sometimes, you just have to let it out. So heto, kapag andami kong feelings, dito ko itatapon. Thank you in advance sayo na magbabasa dito kahit walang kwenta. Hahaha Imagination. Imb...