A/N: Dahil walang mapaglagyan ang feelings ko kanina okay. Hahahaha Fiction po! Kathang isip, alternate universe, imagination, walang katotohanan!
********************
BAERANGAY TANOD ALDEN
Kingina. Kapag nga naman sinuswerte ka, dun pa sa araw na di mo inaasahan, sa lugar na muntik mo nang hindi puntahan, sa oras na nahuli ka pa nang onti, dun ko pa nakita ang taong di ko naman inaakala na tatatak nang ganito sa puso ko.
Wala dapat ako kanina sa barangay eh. Hindi naman kasi ako nakaduty ng pagtatanod ngayong araw. Pero kulang sa tao at lahat may mga lakad, tuloy ako ang napilitan na magtanod kanina. Tapos na late pa ako dahil kingina yung tricycle na sinakyan ko kanina natanggalan pa ng gulong sa lubak, kala ko titilapon ako, sayang kapogian ko.
Pero kingina, kingama, kingpinsan, kingkapitbahay. Ang swerte ko! Dahil natagpuan ko na ang babaeng papakasalan ko.
Oo. Leche. Na love at first sight ako.
Nung una nahiya talaga akong lapitan sya. Saka grabe tong si Kap ang sungit. Pero talagang kanina hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi syempre nakakahiya diba naka-session si Kap sa public service nya tapos biglang popormahan ko ang secretary nya? Syempre ang unrprofessional naman nun. Pero kingina talaga, buti na lang kalog si Secretary Maine, tapos sya pa ang unang humirit na ipakilala sya. Syempre yung kilig ko hanggang dulo ng kuko ko sa paa diba. Pero iba talaga yung hatak nya sakin. Yung tipong ngayon na natagpuan ko na sya, di ko na sya kayang pakawalan. Sa totoo lang, mas matindi pa to sa mga nafeature na sa Kap’s Book of Amazing Love Stories dahil kung papayag si Secretary Maine, kingina, iuuwi ko na sya ngayon din at ipapakilala sa nanay at tatay ko para para pakasalan ko na sya agad agad. Pero pano ko gagawin yun? Kingina gusto ko syang lapitan pero pano. Ay shet nahuli na naman ako ni Kap na nakatitig sa kay Secretary!
SECRETARY MAINE
Oh my God. What was that? Nakakaloka ang lagkit ng tingin sakin nung tanod na yun. Akala ko talaga hahalikan nya ako kanina juskolord ni hindi kami magkakilala pero yung nguso nya parang namagnet na agad ng pisngi ko ano yun? Susmaryosep, kalmahin mo, Maine.
Pero seryoso. Iba ang pakiramdam ko sa kanya. Parang… parang… parang ayoko na syang malayo sakin. Pero kasi naman tong si Kap, ang laking damulag. Isang MH -- malaking hadlang. Buti na lang pinayagan nyang lumipat sa tabi ko. Grabe kapag hiningi ni Kap ang transcript ng session kanina, wala akong mapapakita dahil jusko naman paano nyo naman ako ieexpect nakapagtype na maayos na katabi ang gwapong tanod na yun? Ang bango bango pa nya. Tapoa yung braso nya, jusko, gusto ko nang paglambitinan kanina. Yung katawan ko, parang gustong mapahandusay sa katawan nya! Grabe buti nga hindi nahalata pero namawis ang kili-kili ko sa sobrang pogi nya. Tinatawanan nila ako pero seryoso ako, marupok ako! Oh my God teka lang papalapit yata sya. Kunwari may tinatype ako.
KAP JOSE
Tingnan mo tong dalawang hibang na to. Kanina lang nagkakilala, ngayon kung magsulyapan kala mo gusto nang magsampahan.
Sinasabi ko na eh. Sa porma pa lang ng tanod na to, alam ko nang tatamaan to kay Secretary Maine. Ito namang si Secretary Maine, alam ko di na mapapansin agad yung kaputian ng tanod na yan. Bumulong pa sakin kanina kung tanod daw ba talaga dahil bakit daw amputi. Ang talino talaga ng secretary ko na yan, kelangan lang magpractice pa sa pagtatype, dahil sigurado ko, si Tanod Alden lang ang natype nya kanina at wala na naman transcript ang session ko sa barangay kanina.
Pero sige pagbigyan natin tong dalawang to. Teka si Tanod Alden ang lalapitan kong una.
“Pssst, tanod Alden. Ano kumusta ka? Buti naman at naduty ka ngayon. Napakadalang kita nakikita sa sessions ko ah.”
“Ay, opo Kap. Mabuti naman po. Di nga po ako sanay magtanod na may araw. Sa gabi po ako rumoronda eh. Madalas po dun sa kabilang kanto. Natawag lang po ako dito ngayon dahil po kapos daw po sa tao.”
“Ah kaya pala ang puti mo. Sasabihin ko sana na tisoy na tisoy ka parang di ka naaarawan. Eh hindi ka nga pala naaarawan kung panggabi ka ano?”
“Ganun na nga po, Kap.”
Sinundan ko ng tingin yung direksyon ng tinitingnan nya. Eh di syempre, kay Secretary nakatingin.
“Ang ganda nya no.”
“Opo ang ganda nya… ay este uhm opo eh Kap naman eh.”
“Hinuhuli lang kita. Maganda talaga yang secretary ko na yan saka masipag, kahit na natatakot ako sa palipat lipat nyang nunal, sabi ko nga patingnan. Pero napakabait na bata. Napakabagal lang magtype. Gaya nyan. Yung session kanina, pustahan tayo walang naisulat yan. Ikaw kasi, tinabihan mo pa!”
“Sorry Kap, di ko napigilan. Di ko kinaya kingina parang hinaltak yung puso ko palapit sa kanya, Kap. Destined yata kami!”
“Destined? May destined ka pang nalalaman dyan. Ano yan she’s destined to be yours? Tigas rin ng mukha mo eh no. Ligawan mo muna uy, kung hinde, isusumbong kita sa tatay nyan, kumpare ko yung si Teddy! Di ka uubra dun na puro papogi!”
“Kap! Di naman ako puro papogi ah. May trabaho ko, marangal ang pagiging Tanod lalo sa gabi. Ang hirap kaya, buwis buhay. Andaming mga gago at lasing nagkalat sa gabi!”
“Sus oo na, oo na, gusto mo lang magpalakad eh.”
“Ah eh kung mamarapatin nyo, Kap?”
Nag-isip muna ko kung tama ba tong gagawin ko pero naisip ko bagay naman sila at mukang mabait naman tong kumag na to, di na rin siguro ko mapapahiya kay Pareng Teddy.
“Sige, pero sa oras na mabalitaan kong gaguhan lang ang habol mo, kakalbuhin kita at babasagin ko muka mo ah!”
“Grabe ka Kap. Pero opo, pangako. Seryoso ako!”
“O sige, halika.”
Lumakad kami palapit sa inuupuan ni Secretary Maine. Tila may tinatapos syang itype. Siguro pinipilit nyang alalahanin yung session kanina para may maisulat sya.
“O Secretary Maine, ano pa tinatype mo dyan?”
Biglang umangat ang ulo nya mula sa makinilya at tumingin sa akin, tapos ay kay Alden na nsilip kong abot hanggang bumbunan ang ngiti.
“Ay wala naman Kap. Inaayos ko lang yung transcript nung session kanina. May kailangan po ba kayo?”
“Ah wala naman. Gusto ko lang pormal na ipakilala sayo tong si Barangay Tanod Alden Richards. Taga dyan lang sya sa kabilang kanto. Panggabi pala sya kaya ang puti puti nya.”
Kinindatan ko nang pasimple si Maine, at kinilig naman sya agad. Mukang magkakamabutihan tong dalawang to.
“Hello, Maine. Ako nga pala si Alden.”
Yan sige bata, haplusin mong mabuti ang kamay.
“Ay hello, Alden. Eh diba kanina pinakilala na tayo. Hahah ulit ulit lang?”
“Ah, ano kasi, syempre yung kanina malabo eh nasa trabaho tayo. Kaya ngayon pormal na tayong magkakilala.”
“Ah okay. Eh di hello ulit, Alden.”
Wala na akong masabi sa titigan nilang dalawa. Alam ko sa puso ko na kahit na ganitong akala nating wala lang, eh may something something na pala.
“Maine… tanong ko sana kung may gagawi ka mmaya? Ayain lang kitang mag-isaw at samalamig dyan kay Aling Bebang.”
Aba, mabilis tong bata ko!
“Ay, uhmm… mamaya? Pagkatapos ng trabaho? Wala naman. Dito lang kami ni Kap hanggang 5pm eh kasi madaming nagsasubmit ng kwento para sa next session. Pero yeah, sure, wala naman akong plans pagkatapos.”
“Ayun! Sige sige. Ayos!”
Unti-unti na akong lumayo sa dalawa at hinayaan silang magharutan dun. Baka masabihan pa kong MH.
BINABASA MO ANG
Tapunan Ng Feelings
RomanceOk, so I am not a writer and will probably never be a writer. But sometimes, you just have to let it out. So heto, kapag andami kong feelings, dito ko itatapon. Thank you in advance sayo na magbabasa dito kahit walang kwenta. Hahaha Imagination. Imb...