TMH 47 (Sacrifices And Plans)

492 13 4
                                    


Chapter 47 (Sacrifices And Plans)

~~~

*Manolo's POV*

After nang nangyari kagabi, hindi na ako nakatulog kakaisip kung tama ba yung desisyon ko.

Alam kong hindi tama dahil nasaktan si Maris. :(

"Magaling Manolo. Mabuti naman at nagawa mo agad."

Nandito nanaman sya.

"Asan na yung usapan natin? Nasan na?!" - me

May nilabas naman syang sobre. At binigay saakin.

"100k yan. Alam kong 50k lang ang usapan pero dahil ginawa mo ito nang maaga, dinagdagan ko."

Nakakainis. Ayoko mang kunin yung perang binigay nya kaso no choice eh. Buhay ni Mommy ang nakasalalay.

"Ano Manolo? Okay na ba yan? Hindi lang yan ang makukuha mo. Basta ipagpatuloy mo lang kung ano yung nasa plano."

Tapos umalis na sya.

Haaay.

Maris. Im so sorry. Mahal na mahal kita. Pero ayokong nakikita kang ganyan na nasasaktan ng dahil sakin.

Im sorry..

Naalala ko nanaman yung nangyari kagabi sa parking. Halos gusto ko ng suntukin si Mccoy nung mga oras na iyon. Gustong gusto kong sirain yung pagmumuka nya.

Bakit hindi nya pinaglaban si Maris? Ineexpect ko na hindi sya papagayag. Kaso ano? Pinabayaan nya lang na mapunta saakin si Maris?

~FLASHBACK~

Dahil sobrang bilis maglakad nila Maris at Mccoy, hindi ko sila naabutan agad.

Inis na inis ako sa sarili ko.

Hindi ko akalaing makakasira ako nang relasyon na may relasyon.

Im sorry Maris. :(

At dahil nga hindi ko naabutan agad sila Maris, tinext ko si Loisa.

To: Loisa Andalio

Loisa. Please. Bumalik ka dito sa resto. Sa parking to be exact. Maris needs you.

Pagkasend ko non, agad akong tumakbo papuntang parking. Argg. May mga humaharang pa kasi eh.

Kaylangan kong maabutan si Maris.

Nang makarating ako, eto na yung eksenang naabutan ko.

"Hindi na kita mahal. Ilang beses ko bang sasabihin sayo?" - mccoy

What the?!

"Okay. Kung ayaw mo, sabihin mo sakin na ayaw mo na. Sabihin mo sakin! Tumingin ka sa mga mata ko at saka mo sabihing hindi mo ako mahal!" - maris

Nakita kong huminga sya ng malalim saka hinarap si Maris. And sa pwesto ko, kitang kita ko na tinitigan ni Mccoy si Maris sa mga mata nya.

"Hindi na kita mahal Maris. Kaya please. Lubayan mo na ko. Itigil na natin to. Masasaktan ka lang." - mccoy

Nakita ko namang tulala lang si Maris habang si Mccoy ay unti unti nang humakbang papasok sa kotse nya. Pero bago pa sya tuluyang makapasok..

"Sorry and thank you Maris. Salamat sa 4 years na pagsasama. Hinding hindi kita makakalimutan Maris. Be happy. Maging masaya ka sakanya." - mccoy

Tapos nakita kong pumasok si Mccoy sa sasakyan nya.

Nakita ko namang tumabi si Maris sa daanan ng sasakyan ni Mccoy and tuluyan na nga syang umalis.

That's my Hashtag (McRis/ Mccoy&Maris Fanfiction. Ft. LoiRis And LoiShua)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon