*Mccoy's POV*After ng taping namen, agad kaming umalis ni Maris. Papunta dun sa surprise ko. Hehe. Joke lang talaga yun na wala akong surprise. Pero this time, simple lang sya as in. Gusto nyo ba malaman? Haha.
"Marc Carlos, san ba tato pupunta." - maris
"Secret nga. Haha. Matulog ka muna nang makapagpahinga ka muna. Mahaba haba yung byahe natin." - me
"Okay. Ingat sa drive ha." - maris
Tapos tumalikod na sya saken at humarap sa bintana. Ako naman, binilisan na yung pag drive para maabutan namen yung sunset. :))
Bago kami makarating ng tuluyan sa pupuntahan namen, dumaan muna kami sa 7eleven. Bumili lang ako ng makakaen at bumalik narin ako agad sa sasakyan at nagpatuloy na.
After siguro 2 hours, nakarating narin kami agad. Kaya naman ginising ko na si Maris. 4 pm na rin kase.
"Psst. Princess. Wake up" - me
Gumising na sya. And bumaba narin kame. Pagka baba namen....
"Wow." - maris
Napangiti naman ako.
~~~
*Maris' POV*
Nagising ako ng makarinig ako ng mahinang tinig (lalim)
"Psst. Princess. Wake up." - mccoy
Gumising naman ako at inalalayan nya ko pababa ng sasakyan. Pag baba namen.
"Wow." - me
Ang ganda ng place. Nakakawala ng stress.
"Do you like it?" - mccoy
"No." - me
Nakita ko namang nalungkot sya.
"Why?" - mccoy
"I love it." - me
Ngumiti sya agad. Alam nyo ba kung san nya ko dinala? Malamang hindi. Haha.
Dinala nya lang naman ako sa isang burol. Yes. Hill po hindi burial. Haha. K. Havey.
So yun. Mula dito sa kinatatayuan namen, kitang kita mo yung ganda ng tanawin. And sakto malapit ng lumubog yung araw kaya naman mas lalong gumanda yung tanawin.
Napansin ko namang nawala si marc carlos, nandun lang pala sya sa kotse. May kinukuha sya. After a minute, lumabas na sya. May dala syang tela at mga pagkain. And mukang magpipicnic kami dito. Kaya tinulungan ko sya.
Inayos naman na namen yung pwesto namen. After non, umupo na kami and pinagmasdan yung araw.
"So okay ba yung surprise ko?" - mccoy
"Sobra." - me
Hindi ako makatingin sakanya. Kase sobrang busy ako sa panonood nung araw.
Natawa naman sya ng mahina sa sagot ko. Kaya naman tinitigan ko sya and ganon din yung ginawa nya. So nagsalita ako.
"Thank you." - me
"For?" - mccoy
"Everything. Salamat sa lahat ng efforts mo. Ikaw palang yung lalaking gumawa saken ng ganito Mccoy. Sana wag kang magbago." - me
"Maris, lahat ng ginagawa ko, gusto ko to. And lahat ng to, para sayo. Wala na kong pake kong mapagod man ako. Basta ang gusto ko masaya ka." - mccoy
Niyakap ko naman sya ng mahigpit. Kasabay non, ang paglubog ng araw. After naman non nag kwentuhan lang kami ng kung ano ano.
Ngayon 7 pm na rin. So inaya ko na syang umuwi.
"Uwi na tayo Marc Carlos. Showtime tayo tomorrow diba." - me
"Ah. Oo nga. Tara?" - mccoy
Inalok nya yung kamay ko. At kinuha ko naman iyon. Habang hawak naman namen sa kabila naming kamay yung mga gamit namen.
Pagkasakay namin sa sasakyan, tahimik lang kameng dalawa. Sya nagmamaneho ako naman tinitignan lang yung view sa bintana. After ilang oras, nandito narin kami samin.
"Goodnight Stella." - mccoy
"Goodnight den. Ingat ka ha. By the way. Wag mo na ko sunduin bukas ha. May dadaanan kasi kami bukas ng maaga kaya didiretso nalang kami sa studio". - me
"Sige. Byee." - mccoy
Tapos pumasok na ko sa loob. Agad naman na syang umalis.
Pagkapasok ko sa loob, di ko maiwasang mapangiti.
"Ang saya mo ngayon ha."
Nilingon ko naman yung nagsalita.
"Ate Tin. Ikaw pala." - me
"Yes. Hehe. So ano, kayo na ba?" - ate tin
Umiling lang ako.
"Di pa nya ko tinatanong eh. Nakapagtataka nga eh. Kasi simula May 10, puro sya surprise. Pero hindi nya ko tinatanong." - me
"Malay mo may plano na sya. Kaya may mga surprise sya. Eto tanong ko sayo. Pag tinanong ka na ba nya sasagutin mo ba sya ng OO? "- ate tin
Ngumiti naman ako.
"Oo naman ate. Mabuting tao si Mccoy. Masipag and alam kong hinding hindi nya ko sasaktan. At tingin ko nga, mahal ko na sya." - me
"Mabuti naman. Eh pano si Dominic?" - ate tin
"Ate. Wala na sya. Hindi na sya nagpakita pa. At masaya na ko ngayon." - me
"Pano kung balikan ka nya?" - ate tin
Natagalan ako bago sumagot.
"Ate. Past is past. Ayoko na sakanya." - me
"Haaay Mariestella. Okay. Kung sino mahal mo, dun ka. Okay? Oh sya. Matulog kana. Maaga ka pa bukas." - ate tin
Nagbeso lang kame saka ako umakyat sa kwarto ko at natulog na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.(AN: Short update muna. Walang nag cocomment eh. Hehe.)
Comment. Comment. Comment. Comment. Comment. Comment. Comment. Comment. Comment.
BINABASA MO ANG
That's my Hashtag (McRis/ Mccoy&Maris Fanfiction. Ft. LoiRis And LoiShua)
FanfictionThis story is for all of those McRis shippers and army's. hahahaha. Meron din pong LoiShua dito. :) Enjoy.