TMH 25.5

615 19 2
                                    

~Two weeks later~

*Loisa's POV*

"Opo ma. Kakain po ako." - me

"Siguraduhin mo ha? Update mo din ako pag nakita na sila Maris ha?" - mama

"Opo. Bye ma." - me

Binaba ko na yung phone ko. Kausap ko kasi si mama kanina. Miss nya na daw ako eh. Miss ko na rin naman sya pero si Maris. </3

Two weeks na ang nakaraan simula nang mawala sila Maris. Two weeks narin kaming di umuuwi sa bahay kaya ganon. Pero dinadalan naman kami ng damit dito and merong malapit na bahay dito so dun kami nakikiligong lahat.

Since two weeks ng wala sila Mccoy at Maris, 2 weeks na rin silang trending dahil hanggang ngayon, trending parin yung #PrayForMCRIS .

And yung about naman dun sa teleserye naming "Fighting The Tides", tinigil muna sya. Sa oras ng FTT, meron silang substitute na mga pelikula everyday since hindi pa kami nag te-taping.

About naman dun sa panliligaw ni Yves, tumigil na sya kasi sabi nya, magfo-focus muna daw sya sa work nya and infatuation lang daw pala yung nararamadaman nya. Pero friend parin naman kami. Kaya nga lang wala sya dito kasi nasa bakasyon sya.

Hay nako. Miss na miss ko na si Maris. Actually nandito na rin yung mga GTs dahil nag aalala na rin silang sobra. Ako naman, eto nagmumukmok parin. Umiitim narin kami pati mga Hashtags at si Diego rin. Hindi rin umuwi si Diego dahil kaibigan nya rin naman daw si maris kaya nandito rin sya.

Kagabi naman tumawag si Manolo. Sabi nya pa nga, uuwi daw sya ng Pinas at maghihintay rin sya samin dito pero, di na namin sya pinauwi at babalitaan nalang.

Haaaaay. 2 weeks na rin yun. May ibang nawawalan ng pag asa. Kahit ako eh. Nawawalan na ko ng pag asa pero kaylangan kong maging malakas. Kumukuha nalang ako ng lakas ko sa mga supporters namen na pumupunta pa dito para lang bigyan kami ng pagkain para di daw kami magutuman. Hindi ko na nga sila napapasalamatan lahat kase napakadami nila eh.

Everytime din na maaalala ko si Maris, wala ng luha ang tumutulo siguro naubos na kakaiyak ko sa loob ng 2 weeks. Lalo na pag dadating yung bangka ng mga rescuer sa gabi at walang kasamang Maris at Mccoy, sobrang sakit. Ang sakit sobra. Yung asang asa ka na na nandyan na sila, na may sasalubungin ka na, na may kaibigan ka na ulit. Sobrang sakit. Ang hirap ng ganito. :"(

Miss na miss na kita Maris. :(

"Baby Loisa. Iiyak ka nanaman? Di ka ba napagod? 2 weeks na oh." - joshua

"Joshua, hindi ako mapapagod lalo na kung si Maris ang pag uusapan." - me

Di nalang sya sumagot dahil alam naman nyang di sya mananalo saken.

~~~

*Joshua's POV*

2 weeks na rin pala. Sa 2 weeks na yon, wala kaming ginawa kundi maghanap ng maghanap.

One time naghahanap kami, papunta kami sa isang isla. May nakita kaming mga damit na nagkalat. Akala namin nandun na sila Maris. Sobrang saya ko non pero hindi pala sila yon. Dahil merong nakatira don.

Kahit anong gawin naming paghahanap, walang Maris at Mccoy kaming nakikita. :(

Oo nag aalala ako sa dalawa lalo na kay Maris. Pero mas nag aalala ako kay Loisa na araw araw, gabi gabing umiiyak. Hindi ko kayang makita syang ganon. Nasasaktan ako sobra.

Sa tuwing babalik kami sa daungan na walang kasamang Maris at Mccoy, lagi syang umiiyak. Habang ako, nakayuko lang kasi wala akong magawa. Minsan nga naisip ko na, wag na namin itigil o ipagpabukas yung paghahanap kasi ayokong bumalik sa daungan ng walang mccoy at maris na kasama.

That's my Hashtag (McRis/ Mccoy&Maris Fanfiction. Ft. LoiRis And LoiShua)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon