IT'S MY TURN

182 9 4
                                    

CHAPTER 2- IT'S MY TURN

"HI HONEY!" bati ko kay hudas na lalake. Nagulat yung mukha niya sa ginawa ko.

*ummmuaahh!* kiniss ko siya sa cheeks. Lihim akong nandiri.

Ewww naman Kirstein! Ano ba tong pinaggagawa mo...huhu

Pero okay lang yan, bumabawi lang naman ako sa nangyari kanina! Hmp.

Nabigla naman pareho yung dalawa.

"Anong ibig sabihin nito?!" biglang napatayo si babae. In fairness ah.. chicks! haha.. Pero balik tayo, dapat maayos ang acting ko.

"Oh honey, who is this girl? Pinagpapalit mo na ba ko?" pa-sweet kong sabi. Hindi naman makapagsalita si lalake kase mukhang nagulat siya. Nyahaha..Nice one Kirstein.

"Bryce! Who's that b*tch?!" sigaw nung babae. Pinagtitinginan na kame sa restaurant pero di na ko uurong pa.

"Ah..a--i..don't know! I don't even know her! " pautal-utal na sabi nito. Mukhang effective ka Kirstein! Clap clap!

"Oh. Hindi mo 'ko kilala B*TCH? I'm Kirstein, his girlfriend," saka nangingiting inabot ang kamay ko. 

Galit na galit naman si babae kay lalake. " YOU---YOU!! "saka dinuro-duro kaming dalawa. "MAGSAMA KAYO! WE'RE OVER! YOU'LL PAY FOR THIS BRYCE! YOU'LL PAY FOR THIS! " saka tumakbo palabas.

Parang natauhan naman si lalake kaya tumakbo siya para sundan si babae. Sumunod na din ako sa kanilang dalawa. Sumakay na ko sa kotse at nakita kong nakaalis na si babae. Si lalake naman eh nasa gilid ng kalsada, parang badtrip yung mukha. Yan ang bagay sa mga katulad niyang walang modo! haha

Huminto ako sa may tapat niya. Napatingin naman siya kaya binuksan ko ang bintana," Hi honey! We're EVEN," *evil grin*

Saka pinaharurot ang kotse ko. 

Hmp. Anong akala niya saken, papadaig nalang? Kung bumaba lang sana siya ng kotse at nagsabi ng sorry eh di sana okey kame at pati din sila ni babae. Pero hindi eh. Napakawalang modo niya!

Pagdating ko sa bahay, dali-dali akong nagbihis. Nawalan na ko ng ganang kumain dahil sa nangyari. Pero bago ako matulog, ginawa ko muna yung ritwal ko. Kinakausap ko si Blaize.Naniniwala kayo?

HAHA..oo nga, kinakausap ko siya pero sa picture lang. hahaha

Kinuha ko yung picture niya na nakasabit sa dingding ng room ko. Binigay to saken ni Bella best. Ayoko sanang kunin kaso crush na crush ko talaga siya eh! hihi.. Kaya ayun, pina-frame ko tuloy! Yiieee!!

"Ui Blaize my sweetie pie, andaming nangyari saken ngayon. Parang feeling ko nga napaka-unlucky naman nitong araw na to." at bumadha ang lungkot sa mukha ko.

"Pero buti nalang, nakasilay ako sayo kaninang umaga! Weeeee!!! Yan tuloy, hindi na masama ang araw ko." At sumilay ang pagkalapa-lapad kong ngiti na abot sa tenga.

"Kelan kaya magiging tayo noh? Sana as soon as possible. Alam ko namang tayo ang para sa isa't-isa eh. TIWALA LANG.hehe..Sige na love you..goodnight! *muahh*" saka sinabit ko na ulit yung picture niya at natulog na.  

You're my CRUSH, He's my LOVE (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon